Pages

Monday, May 3, 2010

Si Aling Luzviminda...



Hindi ko siya kilala pero isa lang ang sigurado ako- kilala niya ako, tsak mas higit pa sa pagkaka-alam ko sa sarili ko.




Hindi lang naman ako ang kilala niya. Halos lahat ng taga-dito sa amin kilala din niya. Ewan ko nga ba kung bakit, basta alam niya. At higit sa lahat ipapaalam niya sa lahat ng kakwentuhan niya.




Di naman ako artista, pero marami na ding kwentong lumabas tungkol sa buhay ko. Maging pinakatatagong lihim ata ng pamilya ko alam niya. Minsan tuloy naisip ko kung siya ba ung counter-part nung kwento dun sa Hirayamanawari. Ung taong nagiging ipis pagsapit ng gabi at nagmamatyag sa paligid.




Ewan ko nga ba kung bakit siya ganyan. Pero para masaya, tingin ko malamig na siguro ang mga gabi niya. Sa sobrang lamig napapa-putak siya ng putak. Tsk, tsk, tsk.




Minsan tuloy naisip ko pag tumakbo akong pulitiko kukunin ko siya...siya ung magsasabi ng kung anong mga kasiraan ng mga kalaban ko sa pulitika tutal mahusay naman siyang gumawa ng kwento at kung susulat siya ng libro tsak madali siyang makakagawa sa dami ng kwentong pede niyang ilagay. Pag pulitiko naman na ako, papadala ko siya sa gera. Sa bilis ng buka ng bibig niya, talo pa ang machine gun sa bilis. Kung nakamamatay nga lang mga sinasabi niya, tsak patay na ako saka ung mga kapitbahay ko.




Lahat ng ito'y naiisip ko habang tinititigan ko ang nakahandusay niyang duguang katawan. Huli na pala. Pinatay siya ng kapitbahay namin. Napuno ata, at nung nakita siya nagdilim ang paningin at pinagtataga siya ng itak. Ang malupit pa don, gula-gulanit ang bibig niya. Ang nagagawa nga naman ng chizmiz oh...




At least siya naman na ngaun ang bida...

No comments:

Powered By Blogger

Nuffnang