Pages

Monday, May 31, 2010

Kita tayo bukas! (3)

Hay.. Mahal ko na ata si Bebang. Ewan ko nga ba. Basta madali akong ma-inlove lalo na't masarap kausap ang isang babae. Yun tipo bang lahat ng kababawan at kalaliman ng buhay ay pede ninyong pag-usapan. Inaamin kong mahilig ako sa maganda, pero iba talaga siya. Pag kausap ko kasi siya, pede akong maging ako lang.

Sinulat ko ang pangalan namin sa hangin.

"Bentong love Bebang!"

Mabantot sa una, pero pagtagal-tagal e kinikilig na ako. Napasandal pa nga ako sa dibdib ni Manong habang nagpupumilipit sa kilig. Si Manong naman ngumisi lang at kinindatan ako, kaya bago pa magka-brokebakan eh bumaba na ako ng jeep at kumaripas ng takbo palayo.

Alas siyete ng umaga ng dumating ako sa aming tagpuan. Tinext ko agad siya na andun na ako. Since maaga pa naman naglibot libot muna ako para matanggal ang kaba ko. Bawat makita kong sasakyan e sinisipat ko ang sarili ko. Tinitignan kung ayos pa ba ang porma ko, presentable at gwapo. Makalipas ang labinlimang minuto e bumalik ulit ako sa aming tagpuan. Wala pa din siya.

Since malapit lang ang simbahan, pinasok ko na rin para makakatay ako ng oras. Nagdasal kahit di naman ako ganon ka relihiyoso. Inikot ang simbahan at pinagmasdan ang Station of the Cross. Lumabas at nagpasyang sa tagpuan na lang namin mag-antay.

"I don't wanna wait in vain for your love,
I don't wanna wait in vain for your love,
Cause summer is here, I'm still waiting here...
Winter is here, I'm still waiting here..."- ang kantang paulit-ulit kong kinanta makalipas ang isang oras na pag-iintay kay Bebang. Pakiramdam ko nga e tinubuan na ako ng ugat. Sa mga puntong ito naging conscious ako sa sarili. Pakiramdam ko kasi maya maya na lang dadating na si Bebang. Ayaw ko ding may makakita saking kakilala ko dahil tyak mag-uusisa sila dahil alam naman nilang wala akong gf. Gusto ko kasi discreet lang, kasi hindi naman ako celebrity para pag-usapan.

Makalipas ang humigit kumulang dalawang oras, natanaw ko na si Bebang. Napangiti ako sa tuwa at pinagpawisan ng malagkit sa kaba. Para akong si Momonja tuwing nakikita si Mojarie. Nagkaron muna ng dull moment bago na-cure ang petrification ko.

"Kanina ka pa? Sorry ah!"
"Ok lang. Di naman ako nag-antay ng ganon katagal, mga 2 oras mahigit lang naman." ang sinagot ko habang nakangisi.
"Sorry talaga ah. Nag-antay ka tuloy ng sobra. Babawi na lang ako sa susunod."
"Ano ka ba? Okey lang po yun noh. Mas okey na maghintay po kaming lalake kesa sa inyo, kasi ang babae po dapat di pinag-aantay."
"Ganon ba yun?"
"Opo. Responsibilidad po kasi naming i-make sure na safe yung lugar bago pa kayo dumating. Kasi para sa akin, ang babae ay dapat inaalagaan. Isipin mo na lang kung magkikita tayo pag gabi tapos sa di mataong lugar. Eh di nakakatakot kung ikaw po ang mauuna at mag-aantay?"

Napangiti siya sa sagot kong yon. Ayos! Kahit papano maganda naman ang adlib ko. Sinamahan ko nga lang ng konting bola pero may sinseridad.

"So tayo na?"
"Tara."

Naglakad na kami papunta ng iskul. Kung tutuusin nagkita lang kami para magkasabay kaming pumasok. So bago pa matapos ang maiksing pagsasamang ito, nilubos lubos ko na. Nagkwentuhan ulit kami at nagkulitan na din. 

"Pede ko bang hawakan ang kamay mo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit naman? "tanong niya.
"Hmm.. Aalalayan lang kita. Pangit naman kasi kung parang hawak matanda ang gagawin ko. Saka napansin ko kasing di mo suot ung salamin mo ngayon, baka hirap ka makakita." sagot ko.
"Ahh... Ganon ba?...Hmm (nag-isip). Sige." - sagot niya sa sagot ko sa tanong niya.
" Pansin ko mas maganda ka pala pag wala kang salamin." sabi ko sa kanya na may halong bola.
" Ikaw, di porket bilog ka e madali mo akong mabobola. Nek nek mo. Wala akong pera." sagot niya sa pambobola ko.
"Hindi ko naman kailangan bolahin ka e. Sinasabi ko lang naman yung totoo. Kung ayaw mong maniwala, take it as a compliment na lang." sagot kong walang halong pambobola.

Tumahimik lang siya. Triny kong umutot para mabasag ang katahimikan, ngunit sadyang maingay ang mga taong nakapaligid sa amin. Nabasag lang ito ng magkatinginan kaming dalawa at nauwi sa pagtawa. 

"Bat ka tumatawa? May nakakatawa ba sa mukha ko?"
"Wala naman. Tumawa ka kasi kaya natawa din ako."
"Ay adik?"
"Mas adik ka!"
"Talagang adik ako. Sayo!"

Katahimikan ulit.

Ito ang isa sa pinakamasayang paglalakad na naranasan ko. Masarap pa lang maglakad ng may kasama. Mababaw lang pero para sakin makabuluhan. Kasi siya ang kasama ko. Malapit na kami sa iskul. Natatanaw ko na nga ung gate. Pagdating don may napansin akong mga babae, mga nag-aantay din. Naisip ko na lang buti di ko yun ginawa ke Bebang

-itutuloy-

Thursday, May 13, 2010

Kita tayo bukas! (2)

Madilim pa nang makalabas ako ng bahay. Naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Nagtricycle papunta sa sakayan ng jeep.
Excited na talaga akong makita si Bebang- ang nasabi ko na lang sa sarili ko habang nag-aantay ng pasahero. Pumewesto ako sa gitna dahil ayaw na ayaw kong nasisikipan agad habang di pa umaandar ang sasakyan. Nanalangin na tabihan ng isang magandang dalaga o di kaya ng isang kolehiyala para kahit papano'y maging masaya naman ang bungad ng araw ko. Hindi naman sa isa akong babaero, pero nakaugalian ko lang talagang i-admire ang kagandahan ng babaeng Pilipina. Unti-unting napuno ang jeep habang unti-unting naglalaho ang pinagdadasal ko. Sa huli, nakatabi ko sila Manong. Para akong isang batang na-sandwich sa gitna nila. Isang maskulado at isang matabang balbas-sarado. Solve ang byaheng ito.

Makalipas ang kalahating oras na biyahe ay bumaba na ako ng jeep para sumakay ulit ng jeep papuntang Recto. Nag-asam ulit makatabi ng maganda at inalat sa pangalawang pagkakataon. Dinukot ko ang aking cellphone at muling tinext si Bebang.

"mlapit na po aq!.. ingat po ult!.. =)"
"okie..ingat poh!.. paalis na aq.. =)" reply niya.

Patay! Mukhang mahaba-habang antayan ito. Muli kong inisip si Bebang. Ewan ko nga ba kung bakit animo'y naloloka ako sa kanya. Bigla na lang napagpasyahan naming magkita kinabukasan matapos ang isang mahabang kwentuhan. Kwentuhang nakakatuwa, malalim at malaman na animo'y matagal na kaming magkakilala.

Kung sa tutuusin ok naman si Bebang. Hindi naman kasi siya ganon kaganda...hindi din naman ganon kapangit. Kung sa itsura lang, wala siyang sinabi kay Barbie. Maliit pero hindi naman pandak, maitim pero hindi naman sing-itim ng mga kababayan nating Negrito, nakasalamin at may mahabang buhok, at kaboses niya si Cynthia Luster pag magsalita. Yun lang, period. Di ko na dadagdagan baka kasi isipin niyo sinisiraan ko siya.

Pero ang higit sa lahat napakasarap niyang kausap. May aura siya na tipong kayang niyang ipasabi sa iyo lahat ng nararamdaman mo.


-to be continued-

Authors note:
yan lang muna sa ngayon..sensya na kung di ako makapag-update agad, wala naman kasi akong sariling pc sa bahay at on a tight budget ako. comments naman kayo kung nagustuhan ninyo...

Friday, May 7, 2010

Kita tayo bukas!

"Heto ako!!!
Basang-basa sa ulan...
Walang masisilungan
at mabawasan..
Ang aking kalungkutan...
Wohoho..."

Ang kanta ng batang pinagsama ang pagtula at sintonadong boses. PANALO!
Magmula ipasa ng isang kaibigan sa phone ko ang kantang iyan at ginawa kong alarm tone eh, wlala ng palya ang paggising ko tuwing umaga. Pero sa araw na ito, tila ba sabik akong marinig ang tunog na iyan. Sabik dahil sa araw na ito ay magkikita kami ni Bebang

Alas-kwato ng madaling araw. Dali-dali kong kinuha ang aking twalya para maligo. Dalawang beses nag-shampoo at sinabon ang katawan hanggang sa kasuluk-sulukan. ginamit ko din yung panghilod na batong nilagay ni Ermat sa banyo. Naghilod at lumabas ng banyong mabango, presko at medyo pulanan ang katawan. Partida, hindi pa ako nagblu blush-on. Sinuot ang pinakamaganda kong damit at nagpabango. Makalipas lang ang isang oras, handa na akong umalis.

"Ma, engeng baon at papasok na ako." ang bungad ko sa Ermat kong natutulog.
"Bakit? Anong oras na ba? sabay tingin sa orasan. "Hindi pa ako nakakagawa ng lesson plan. Nag-agahan ka na ba? tanong niya habang inaabot sa akin ang baon ko.

"Hindi na. Late na ako."

Kahit kelan talaga e hindi ko na nakasanayan ang kumain tuwing umaga. Nung minsan kasing triny kong kumain , eh nagloko ang aking tiyan at kinailangan kong mag- stop over sa isang fast food chain sa Recto upang magdeposito. Na nasundan pa sa tuwing kumakain ako pag umaga. Minsan naman false alarm lang at kinakailangan kong sabayan ng buga ng masamang hangin ang bawat harurot ng sinasakyan kong jeep.

"Gud a.m. poh!.. On d way na po aq.. Ingat poh!" ang mga katagang tinext ko sa kanya. Simple pero malaman. Pasimpleng nagsasabing mag-ingat ka at excited na akong makita ka. Pasimpleng paraan din para ipaalam sa kanya na dapat gumising na siya kung sakaling natutulog pa siya at bilisan niya.

Toot-toot.. Toot-toot....
"Gud a.m. din poh!..Ingat poh!.." reply ni Bebang. Pinindot ko pa din ang down sa cellphone ko sa bakasakaling may hidden message pero wala na talaga. Mga linyang nagpasabik sa akin lalo upang makita siya.


-To be continued-

Monday, May 3, 2010

Sino nga ba si Aling Luzviminda? (Si Aling Luzviminda part 2)



Si Aling Luzviminda ay isang tipikal na taong makikita sa Luzon, Visayas at Mindanao. Eto ang karaniwang description niya.




1. Wala siyang trabaho. Isa siya full time house wife na kadalasang makikitang paikot-ikot sa inyo o di kaya'y nakatambay sa labas ng kanilang bahay.




2. Meron silang tindahan ng pamilya nila. Isang munting sari-sari store na laman lahat ng pinaka-kailangan mo para dun ka na bumili. Madalas ding ang mga customers niya ang kakwentuhan niya.




3. Active siya sa mga social gatherings at may mga kunek din sa pulitiko. Aakalain mo pa ngang isa siyang tanod sa kaka-ikot niya sa lugar ninyo para lang makahanap ng kwento.




4. Isa siyang relihiyosong tao. Madalas mong makita sa prusisyon o di kaya'y sa misa bilang taga-alay. Ewan ko ba kung talagang relihiyoso o way lang ito para ihingi ng tawad ang mga kasalanan niya.




5. Kahit relihiyoso, siya ay ang number one violator ng utos ng Diyos na wag manirang puri dahil na din sa mga kwentong ginagawa niya.




6. Kung kay Charlie ay Charlie's Angels, si Aling Luzviminda ay meron namang Luzviminda's Angels. Mga bestfriends niya na kakwentuhan ng iba't-ibang balitang pinakakatago ng bawat tao at kadalasang isa ding Aling Luzviminda themselves.

Si Aling Luzviminda...



Hindi ko siya kilala pero isa lang ang sigurado ako- kilala niya ako, tsak mas higit pa sa pagkaka-alam ko sa sarili ko.




Hindi lang naman ako ang kilala niya. Halos lahat ng taga-dito sa amin kilala din niya. Ewan ko nga ba kung bakit, basta alam niya. At higit sa lahat ipapaalam niya sa lahat ng kakwentuhan niya.




Di naman ako artista, pero marami na ding kwentong lumabas tungkol sa buhay ko. Maging pinakatatagong lihim ata ng pamilya ko alam niya. Minsan tuloy naisip ko kung siya ba ung counter-part nung kwento dun sa Hirayamanawari. Ung taong nagiging ipis pagsapit ng gabi at nagmamatyag sa paligid.




Ewan ko nga ba kung bakit siya ganyan. Pero para masaya, tingin ko malamig na siguro ang mga gabi niya. Sa sobrang lamig napapa-putak siya ng putak. Tsk, tsk, tsk.




Minsan tuloy naisip ko pag tumakbo akong pulitiko kukunin ko siya...siya ung magsasabi ng kung anong mga kasiraan ng mga kalaban ko sa pulitika tutal mahusay naman siyang gumawa ng kwento at kung susulat siya ng libro tsak madali siyang makakagawa sa dami ng kwentong pede niyang ilagay. Pag pulitiko naman na ako, papadala ko siya sa gera. Sa bilis ng buka ng bibig niya, talo pa ang machine gun sa bilis. Kung nakamamatay nga lang mga sinasabi niya, tsak patay na ako saka ung mga kapitbahay ko.




Lahat ng ito'y naiisip ko habang tinititigan ko ang nakahandusay niyang duguang katawan. Huli na pala. Pinatay siya ng kapitbahay namin. Napuno ata, at nung nakita siya nagdilim ang paningin at pinagtataga siya ng itak. Ang malupit pa don, gula-gulanit ang bibig niya. Ang nagagawa nga naman ng chizmiz oh...




At least siya naman na ngaun ang bida...

Sunday, May 2, 2010

Ang Matandang Dalaga sa Eskwela

D.O.M., Ms. Sungit, menopause... ilan lang yan sa madalas na tawag sa knila. Paano kasi madalas mainit ang ulo nila sa loob ng eskwela. Samut- saring haka-haka ang iniisip natin. Nagtataka kung bakit hindi na sila nagsipag-aswa? Pero ngaun, masasabi kong naiintindihan ko cla. Marahil dahil isa na rin akong gurong tulad nila at sa kadahilanang baka kakilala ko ang maaring sumunod sa yapak nla.

Pero BAKIT nga ba? PAANONG ito nangyari sa kanila? Sa obserbasyon ko'y, eto ang aking mga teorya.

1. Meron kang kasintahan, pero sa kasamaang palad naghiwalay kau, napikot siya o di kaya'y bigla siyang kinuha sa mundo ng mga alien at di mo na muling nakita. Tapos di ka na naka-move on. Patay!
2. Isa kang babaeng may mataas na pangarap sa buhay. At dahil jan pinagbutihan mo ang eskwela. Hindi binigyan ng atensyon ang mga nanliligaw sau. Career muna bago pag-ibig. Nung panahong handa ka na, may iba na siya.
3. Isa ka nang matagumpay na guro. Kapwa guro, parents at mga estudyante mo lang ang madalas mong makahalubilo. Sa propesyong ito, bihira ang lalaki. Sa sobrang pagkabihira, gusto din nila lalaki. Kung meron man, it's either my gf o asawa na.
4. Dahil s ikatlong kadahilanan, limitado lang ang choices mo. Bibihira ang mga lalaking available na may mas mataas na propesyon sau (doktor,engineer,architect
,abugado,etc.) kasi may scarcity ng mga lalaking ganyan at bihirang pinapakawalan. Mataas ang standards mo. Papayag ka ba namang mas may pinag-aralan ka pa kesa sa asawa mo?
5. Ikaw ang pinakamalas sa lahat. Sinakop mo lahat ng binigay kong teorya tapos wala ka pang itsura. In short, pangit ka. Masakit mang tanggapin pero sa bansang ito na kung saan kagandahan ni Barbie ang batayan kung maganda o pangit ang isang babae, tsak sandamakmak na panghahamak ang uulan sa iyo.

Higit sa lahat wag ka masyadong choosy.....lalo na kung di ka naman yummy.Ang pagkakataon ay minsan lamang kumatok kaya wag mo na agad palampasin. Kung ang pananaw mo naman ay may panahon para diyan at sa tingin mo e fate mo na maging ganyan.. E nagkakamali ka..Ayon nga sa kasabihan na if we believe in what we call fate then we close ourselves to what we call future.. kaya nga past, present at future at hindi past, present, fate... OK?

Ang mga ito'y base lamang sa obserbasyon at batay na din sa mga taong nakasalimuha ko.

Kung bakit kasi hndi pwede ang student-teacher relationship.


Kaya si Mam, sawi man sa pag-ibig, bnuhos ang lhat s eskwela. Buong debosyong bngay ang sarili sa pagtuturo.

Tayo'y sinusungitan at kinagagalitan di dahil sa bigong pag-ibig, kundi dhl s mga estudyanteng kupal n wlang gnwa kundi mgpasaway kesa mag-aral. Buhay nga naman, kung anong gnda ng paghihirap at sakripisyo mo...ni simpleng thank you or mag-aral ng mabuti di maibigay sayo.

Kaya sa mga gurong katulad ninyo, ako ay SALUDO.

At sa mga susunod sa yapak nila, hindi kayo mag-iisa. Nandito kaming mga kaibigan/kapwa guro niyo- karamay sa tuwina.
Powered By Blogger

Nuffnang