Pages

Thursday, May 19, 2011

Ang pag-ibig

Ang pag-ibig ay parang isang sinulid. Mahaba at marupok. Gamitin ng mabuti't makakagawa ka ng isang obra.






Ngunit sa oras na masira't mapunit ito, anumang tahi o tagpi ay hindi na maibabalik ang dati. Hindi mo maitatago sa sarili mo na mas maganda sana kung pinahalagahan mo ito.

Sa totoo lang..

Minsan, hindi mo naman talaga kailangan ang payo ng iba. Naghahanap ka lang ng garantiya na hindi lang ikaw ang kaisa-isang taong pipili sa gagawin mong desisyon.








Mas nakakapanatag nga naman tignan na katulad mo ng sagot ang mga katabi mo sa isang pagsusulit.

SILENT SHOUT


I bare with such sorrow, to die in a breathing life..


where is my ending path..where light shows hope and love..


My silent shout..


dissatisfaction in such sweet life of serenity..


surrounds me with undying love but leaves me with insecurity..


trust me..how?


Silent shout..


cares and lecture me just to learn to grieve..


nurture me with your words that denies me to bloom a rose but thorns to sharp to kill..


I forgot myself..I had left 3 years ago.. Is this me?


I who never trust..I who do not forgive..I who never forget..


I who knows how to kill..


but I who tries to love..and that echoes in my dream...
 
 
 
 
 
by: Verlyn Beri Jolos




Monday, March 28, 2011

Anong natutuhan mo?...

Noong Miyerkules, habang abala akong nag-aayos ng mga forms sa loob ng faculty room ay biglang narinig kong tinatawag ang pangalan ko gamit ang megaphone ng school at agad na pinapapunta sa may principal's office. Inisip ko agad kung anong dahilan ng pagpapatawag sa akin. Wala naman akong ginawang masama at napasa ko naman na lahat ng mga papeles na dapat kong ipasa. Pumasok sa isip ko na baka napasama na naman sa kalokohan ang advisory class ko. Kahit tinatamad ay pumunta pa rin ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa office ay tinanong ko agad kung bakit ako pinapatawag. Sabi ni Ate gusto daw ako makausap ni Ma'am Principal.

Ang mahal naming Principal. Mabait naman kaya lang minsan di mo alam kung anong trip. Isa din siyang magaling na ninja (hindi mo kasi mapapansin bigla- bigla na lang susulpot sa likod mo).

"Good afternoon po Ma'am!", ang magalang na pagbati ko.
"Ah.. Sige, maupo ka muna dito.", sagot naman sakit ni Ma'am principal.

Pinakita niya sa akin ang isang pirasong papel. Sinagot daw iyon ng isang estudyanteng inambush niya habang naglalakad sa pasilyo. Kawawang bata, diretsahan ba namang tanungin ng principal kung anong natutunan niya sa English II ngayong taon. Kahit sinong tanungin mong estudyante, hindi makakasagot ng maayos lalo na't principal ang kausap niya. Maski nung estudyante pa lang nga ako, ayaw kong makita ang principal namin. Baka kasi pag nakita ako at mainis sa akin pag di ko masagot yung tanong niya eh tanggalin ako sa eskwelahan.


Sa paglagi daw niya sa English II, ang mga natutuhan niya daw ay ang mga sumusunod:

simili (simile)
metaphor
personification
coordinating conjunctions
idiomatic expressions


Nalungkot ako't natuwa dahil kahit papano OK naman ang sagot niya, maliban na lang sa maling spelling ng simile na ginawang simili at sentence na walang complete thought. Buti na lang malawak ang comprehension ko at kahit papano naintindihan ko siya. Naintindihan ko din kung bakit hindi siya nakasagot ng maayos at di ko lang maintindihan ay kung bakit parang hirap intindihin si Ma'am kung anong mga naintindihan niya. Nakakaintindi ka pa ba sa sinasabi ko?





Sa darating na April 3, limang buwan na ako sa trabaho ko. Pakiramdam ko ilang taon na din akong nagtuturo kahit na ilang buwan pa lang talaga ang nakakalipas. Sa loob ng limang buwan, anu-ano nga ba ang natutuhan ko?

1. Natuto at nahasa ako sa paggawa ng Lesson Plan. Mula nang araw na naging ganap na guro ako ay araw-araw akong gumagawa ng lesson plan. Ano nga naman ang i-le lesson mo kung wala kang lesson plan?

2. Nahasa ang paggawa ko ng visual aids at pagsusulat sa blackboard. Parte na nang pagtuturo ang paggamit ng visual aids at pagsusulat sa blackboard. Sa loob ng limang buwan, hindi ko sila inobliga na kopyahin ang kahit anong nilalagay ko sa blackboard. Nasa tao naman kasi kung ano ang gusto niyang alamin at tandaan sa buhay.

3. Treat all of your students special. Lahat gusto ng atensiyon mo sa klase. Di mo lang mapansin ng onti o matawag sa recitation, mag eemote na. Ang iba naman kahit ilang beses mong tawagin ang atensiyon, hindi ka pakikinggan. Kahit anong paki-usap, hindi ka pakikinggan. Matutuwa sila at tatahimik matapos tawagin silang Special Children- samahan mo pa ng pagsabing "Babawasan kita ng stars!".

4.  Ang pag-aaral ay paghahanda sa iyo sa buhay ng pagtratrabaho. Kung hindi ka magtatrabaho at papasok araw-araw, wala kang sasahurin sa araw ng sahod. Kung hindi ka mag-aaral at papasok araw-araw, hindi ka makakakuha ng mataas na marka. Sa mundong ito, napagtanto kong ako ang boss at ang mga studyante ko ang aking mga manggagawa.

5. Pumapasok VS Nag-aaral. Magkaibang magkaiba ang pumapasok sa nag-aaral. Sa puntong ganito, mas pumapasok ang mga magugulo kesa sa mga matitino. Mas maganda magturo sa kakaunti pero tahimik na klase kesa sa marami pero magulo naman. Nung una natutuwa ako pag madami sila, pero pagtagal-tagal mas gusto kong konti na lang sila.

6. Problem Child: Family Problem. Hindi porke't pasaway ang isang estudyante ay gago at tarantado na siya. Minsan tanungin mo lang at malalaman mo may problema pala siya sa pamilya. Pagkatapos mong malaman ang rason kung bakit siya nagkakaganon, saka mo banatan ng pangaral. Ipa-isip mo sa kanya kung anu-anong napala niya sa mga ginagawa niya. Pag sinagot niyang wala, saka mo siya gabayan sa tamang landas.

7. Ok lang mambagsak ng estudyante. Kung talagang bagsak- bagsak. Pano mo tuturuan bumangon at tumayo sa sarili niyang paa ang isang estudyanteng hindi pa nakakaranas bumagsak. Wag mong daanin sa special project. Baka mamaya maging kurap pa yan pagdating sa panahon pag nasanay na pumasa sa kakalagay. Kung deserving naman at marunong kahit pala-absent, pwede mong ipasa. Dun pumapasok ang ika-8.

8. Consideration. Puwede kang magpasa kahit laging liban ang bata sa klase. Isa nga sa mga estudyante ko highest nung Final Achievement Test gayong di naman siya pumapasok. Mahusay din siya at active sa klase pag nandiyan siya. Un nga lang para siyang hanging amihan, may pinipiling panahon para magparamdam.

9. Masarap maging teacher. Lalo na kung mahuhusay ang estudyante mo at matitino lahat. Pero dahil wala namang perpektong bagay sa mundo, kaylangan mong pagtyagaan ang lahat ng kabulukan na nakikita mo. Nasa iyo na kung magpapaepekto ka masyado sa mga bagay- bagay na nangyayri sayo, lalo na ung mga bagay na nagpapataas ng dugo mo. Isa kang bayani o tinuturing na isang idolo ng mga humahanga sa iyo. Ipakita mo dapat maganda kang modelo.

10. Chain reaction. Kapag gumawa ka nang mabuti, may mabuting mangyayari din sa iyo. Pag may ginawa kang masama, may masama ding mangyayari sa iyo.

At marami pang iba... Tinatamad na akong isipin kung ano pa yung iba eh. Isa lang naman talaga ang punto ko dito eh. Sa loob ng limang buwan mula ngayong araw na ito, anu-ano na ang mga natutuhan mo?

Tuesday, March 22, 2011

Ang Alamat ng Kotong na Pulis



Noong unang panahon, panahon na maunlad pa ang Pilipinas at masipag pang magtrabaho ang mga tao nang ipanganak si Chip. Laki siya sa isang masaganang pamilya at nasusunod naman sa luho ang lahat ng gusto niya. Bata pa lang ay kakikitaan na siya ng katamaran at kayabangan sa sarili. Madalas din siyang liban sa klase at madalas mapaaway kahit saan.

Nang makapag high school ay mas lalong naging pasaway sa lipunan si Chip. Agad siyang sumapi sa isang fraternity at naging isa sa mga haligi nito. Kung ang isang tipikal na Pinoy ay may apat na taon sa High School, binuno ni Chip ang apat na taon na ito sa walong taon- doble sa nakasanayan nang iba. Kahit naging pasaway at sakit ng ulo si Chip sa mga magulang at guro niya ay sunod pa rin ang layaw nito. Nang isang araw, natanong siya ng kaklase..

"Pare ano bang balak mo? Anong gusto mo pagkatapos dito?" , si kaklase.
" Ewan ko. Siguro magpu-pulis na lang ako." , sagot ni Chip.

Pinagbutihan ni Chip ang pag-aaral kung kelan huli na ang lahat. Sa ika- walong pagkakataon ay babagsak ulit siya at hindi makakagradweyt nang biglang may naisip siyang magandang idea.

"Ma'am, special project na lang po. Kahit na magkano." ,ang sabi ni Chip sa isang guro.
"Sige, pag-iisipan ko" , ang sagot ni titser.

Sa pag-iisip na mas makakabuti ito sa kalusugan ng titser at mababawasan ang perwisyo sa buhay niya ay pumayag na din ito. Isinaalang alang na lang niya kay Chip kung gagamitin nito ng maayos ang pribilehiyong ibinigay sa kanya.

Grumadweyt si Chip sa High School at nagpatuloy sa kolehiyo. At makalipas ang mahabang panahon ay naging ganap na pulis na din ito. Mas tumindi ang pagiging arogante at pagkamayabang ni Chip lalo na't may katungkulan siya't may sukbit na baril sa tagiliran niya.

Isang araw habang nakatambay sa kanto ay pinara niya ang isang sasakyan dahil nakagawa ito ng violation.

"Boss, pasensya na po. Nagmamadali lang kasi ako eh." ,ang palusot ni Mamang driver.
Si Chip dahil sa tinatamad nung araw na iyon at nagugutom ay nasabi na lang ang ganito..
"Sige, enge na lang pang kape. Special project kumbaga." , ang nakangiting sagot ni Chip.
Napakamot na lang sa ulo si Manong driver habang inaabot ang bente pesos sa kamay ni Chip.

At nabuhay si Chip ng maligaya, natapos lang ito matapos masagasaan ng jeep habang tumatawid ng kalsada.


-end
picture kuha dito

Friday, March 11, 2011

Ang sakuna ay nasa paligid lang

Ang sakuna walang pinipiling oras.. walang pinipiling panahon, relihiyon, kasarian o antas man sa lipunan..




Magugunaw na nga ba ang mundo?.. Ewan ko?.. Hindi naman ako Diyos para malaman kung kelan dapat mangyari yon..  Basta ang masasabi ko lahat ng nangyayari ngayon ay normal lang..




Kaya enjoyin na lang natin kung anong meron tayo.. hindi natin alam ang mangyayari, pero mahalaga nag-enjoy ka, tutal lahat naman tayo dun patungo.. lahat naman may katapusan..

Sunday, February 27, 2011

Kodigo pero hindi nangodigo...






Noong nakaraang linggo ay nagbantay ako bilang isang proctor for the Final Achievement Test sa Mataas na Paaralang itatago natin sa pangalan ng dahong isinasama sa adobo sa may Maynila. Lunes, Martes at Huwebes ang test. Ok naman sa simula maliban sa hindi na maiiwasang kainganyan ng mga estudyante.

Sa araw ng Huwebes, isang oras bago ang huling test ay may nahuli akong nangongodigo. Inipit ng matabang estudyante sa gitna ng test paper ang isang nilukot na papel na kung saan nakasulat ang ilang sagot sa tine-test nila. Umamin naman agad sila na kodigo nga iyon at nakuha lang daw nila iyon sa labas.

Ako bilang isang butihing guro ay hinayaan pa din silang kumuha ng test sa kondisyon na magte-test sila malapit sa tabi ko. Habang pinabuhat ko ang upuan papunta malapit sa akin ay inasar ung isang medyo mataba ng mga kapwa niya estduyante. Maya-maya'y nag-ala Son Gokou na siya matapos maasar at ibato ang upuan sa babaeng nangantiyaw sa kanya (mabuti na lang walang tinamaan). 

After that I have to take the initiative and take the matter to the higher ups o ung mgag taong mas may katungkulan lalo na't sampid lang kami sa lugar. Ang unang pumasok sa isipan ng mga bata/estudyante ay ipaalam ang insidente sa principal ng eskwelahan. Nang hindi makita ang principal ay pumunta kami sa mas may kaalaman sa mga ganitong problema- ang Guidance Counselor.


Guidance Counselor: Yes Sir, ano po bang problema?
Ako: May nahulihan po kasi akong nagkokodigo.
Guidance Counselor: So ano po ba talagang problema? Ano po ba ang nangyari?
Ako: Ganito po kasi yan Ma'am. I ask them to pass the test papers except the Math kasi nga po magkaiba nga po ang test ng babae at lalake sa TLE/HE. Since pinapasa ko nga po ung test paper, napansin ko pong hindi nila pinasa ung sa kanila. Nang nilapitan ko at kinuha ung test paper ay napansin ko nang may nakaipit na papel sa gitna nito at nung tinanong ko kung ano iyon ay sinabi po nilang kodigo daw po iyon. Hinayaan ko na po silang magtest un nga lang medyo nag-amok etong isa at binato ung isang upuan sa kaklase niya. Buti na lang po kamo, walang tinamaan.
Guidance Counselor: (Tinignan ang kodigo) Pano mo naman masasabing kodigo ito? Ni wala ngang nakasulat na subject dito.
Ako: Anong subject yon?
Estudyante1(ung mataba): TLE po.
Ako: TLE daw po.
Guidance Counselor: (Nag-astang walang narinig.) Pano mo naman masasabing kodigo ito? E wala ngang subject na nakalagay. Chineck niyo ba ang test paper niya. Baka hindi naman niya ginamit ito.
Ako: Di po ba the mere fact na andiyan po ung kodigo ay nangodigo po siya? Andiyan na nga po ung kodigo eh.
Guidance Counselor: Oo nga po. Pero sana nga po nag-counter check po kayo kung ginamit niya po talaga itong kodigo lalo na't wala nga pong subejct na nakalagay dito.
Ako: (Tinanong ang estudyante) Anong subject iyon?
Estudyante1(ung mataba): TLE po Sir.
Ako: Ma'am TLE daw po iyan.
Guidance Counselor: Hindi sa tinuturuan kita Sir ah, pero dapat nag-counter check po kayo. For example tiningnan mo kung magkapareho nga ba ung sagot niya dito saka dun sa test paper niya.

Unti-unting bumaliktad ang sitwasyon at parang ako pa ang may nagawang mali.
Guidance Counselor: Ikaw naman bat mo binato ung upuan? Pano kung may tinamaan ka, eh di may ipapagamot pa tayo sa ospital niyan? Susugod na naman ang magulang dito. Saka may mga utak naman kayo, bat naman umasa pa kayo sa kodigo at di na lang kayo nagtiwala sa sarili ninyong kakayahan.
Guidance Counselor: (sa akin naman) Sir ganito na lang po, i-check niyo na lang po ung papel niya at kung magkapareho nga po ung sagot ay dun po natin masasabing nangodigo nga talaga siya.
Ako: (buntung hininga) Ok po.


Pagkabalik sa kwarto ay agad kong tsineck ang papel nang matabang estudyante. May pagkakatulad ang mga sagot niya sa kodigong nakuha ko sa kanya. Pero matapos malaman sa aking co-teacher na binaliktad din siya nung nakaraang araw matapos makahuli ng nangongodigo sa kwarto niya, ay sinuko ko na ang pinaglalaban ko.


Sa karanasang ito, may mga bagay-bagay din akong natutunan...

1. Una, wag masyadong aasa sa taong tingin mong matutulungan ka lalo na ung mga nasa katungkulan, LALONG- LALO na kung madudungisan ang institusyong ginagalawan nila.

2. Hindi lahat ng Guidance Counselor ay mahigpit, ang ilan sa kanila TANGA. (bulag pa nga sa pagkakataong ito.)

3. Ok lang magdala ng kodigo kapag test, basta ba wag mo itong lalagyan ng subject at wag mo itong gagamitin. Pag ginamit mo ito, lagot ka sa nagbabantay pero wala silang magagawa lalo na kung palalampasin ito ng Guidance Conselor niyo na wala sa tamang pag-iisip.

4. Minsan ang inaasahan mong gagawa ng tama, sila pa ang gagawa ng mali.

5. Gagawin lahat ng ilang eskwelahan ang lahat ng paraan para lang mapataas ang ranking nila lalo na kapag Mid-Year Achivement Test at Final Achivement Test (FAT).
Powered By Blogger

Nuffnang