Pages

Tuesday, December 28, 2010

Ngayong malapit na ang Bagong Taon..

halos lahat gusto ng pagbabago


para sa sarili
sa kapwa
at sa bayan



Sana sa darating na Bagong Taon



magbago din sana ang pananaw at kaugalian na ito




Dahil ang pagbabago ay walang pinipiling oras at panahon..
Maaari mo na ngang simulan ngayon.

Saturday, December 25, 2010

Paskong Pinoy

Simple lang naman..

Maligayang Pasko sa lahat..


Ang Paskong Pinoy..

kahit na hindi magara..

kahit na walang regalo..

kahit na walang pera..


Ang mahalaga lahat ay masaya at nagsasama-sama..
Ang araw naman na ito ay para sa Kanya at sa buong pamilya..

Thursday, October 28, 2010

Kwentong Sabog (4)

Kab. 1 Kab. 2 Kab. 3
"Buntis?",nagtatakang tanong ni Wilfredo.
"Oo at ikaw ang ama.",sagot ni Anne.

Tinignan ni Wilfredo si Anne mula ulo hanggang talampakan. Napako ang tingin niya sa tiyan nito. Wari'y iniisip kung totoo ang sinasabi ng nobya. Tinignan niya ulit si Anne sa mukha. Matapos hindi magbago ang reaksyon ng nobya, nakumbinsi siyang hindi siya nito binibiro. Hindi makapaniwala si Diego sa narinig. Napasalampak siya sa upuan sa pagkabigla. Nanahimik ng ilang sandali.

"Pano mo naman nasabing sakin yan ah?", hindi pa rin makapaniwalang pag-uusisa ni Wilfredo. "Anne, pokpok ka! Hindi lang ako ang kinakama mo. Tapos sasabihin mo sa akin yan?", dagdag pa ni Wilfredo. May pagtaas na ang tono ng boses niya. "Aber?". May halong kumpiyansa ang kanyang huling salita.
"Matagal na akong tumigil sa gawain ko mula nang naging tayo Wilfredo.", sagot ni Anne. Nanginginig ang mga labi nito sa pagsagot. "Wala na akong ibang naging katalik kundi ikaw lang. Maniwala ka sana sa akin."
"Put*ngin* naman Anne! Hindi ka ba nagpi-pills?", galit na sagot ni Wilfredo. "Hindi pa ako handang maging ama, saka anong papakain ko diyan kung ako pa nga lang hirap na!", dagdag ni Wilfredo. "Ipalaglag mo yan!"

Tuluyan nang pumatak ang mga luha sa mata ni Anne.

"Pano na ang mga pangako mo? Pangako na sasamahan mo ako sa hirap at ginhawa?", umiiyak na sabi ni Anne. Lumapit siya kay Wilfredo't sinampal niya ito ng malakas sa mukha. "Pareho ka lang pala nila. Wala kang pinagkaiba sa mga naging customer ko. Mula ngayon, magkalimutan na tayo. Mag-isa kong itataguyod ang aking anak.", pagkasabing pagkasabi ay agad niyang kinuha ang mga gamit at umalis.

Samantalang si Wilfredo'y tahimik lang na nakasalampak sa upuan. Hinawakan ang pisnging sinampal ng kasintahan. Hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin. Naisip niyang puntahan ang kaibigang si Diego.

--------------------

Suot ang itim na sando at maong na short, nakaupong nakatambay si Diego sa kanto papasok sa looban ng bahay nila. Kasama ang ilang tambay ay pinagdidiskitahan nila ang bawat taong dumadaan; lalong-lalo na ang mga babae.

"9!", sagot ni Danny- isa ding tambay sa lugar nila Diego.
"T*ngina*! 9, para kay Rosalinda? Eh alangya may anak na yan eh!", sagot ni Diego sa narinig.
"T*e pare, mas gumanda at lumaki yung s*s* matapos maanakan. Kung makapagsalita ka ah! Tigas pato ka pa din diyan pag naghubad yan sa harapan mo.", ang sagot naman ni Tisoy- isa pang tambay sa lugar nila Diego. "Para sa akin 9 din!"
"7 sa akin. Maluwag na yan noh. Magpaanak ka ba naman sa kahit kanino.", sagot ni Diego sa dalawa.
"Yabang naman nito.", sabi ni Danny.
"Honga, kung makapagsalita kala mo kung sino.", sambit naman ni Tisoy.
"Mga ugok! Magpapantasya ka na nga lang dapat dun ka na sa walang sabit. Dapat perpekto, halimbawa mga artista", sabay batok sa ulo ng dalawa.
"T*ng*! Wala namang perpektong tao eh, artista pa kaya?", sagot ni Danny kay Diego habang binatukan si Tisoy.
"T*e, bat ako ang binatukan mo?", sabay batok ni Tisoy kay Diego. "Meron kayang artistang perpekto. Yung mga nagpapa-opera ng dibdib o kung anu-ano sa katawan nila. Tanda ko pa nga sabi nung isa- "Perfect!" .", sagot naman ni Tisoy habang ginagaya ang high-pitch voice ng artistang tinutukoy.
"Diyan na nga kayo mga baliw!", pagtayong sagot ni Diego sa dalawa. Bago umalis ay binatukan niya ulit ang mga ito. "Poknat, tatay mong kalbo!", sabay karipas ng takbo.

Nang makita naman ng dalawa ang kalbo ay nag-unahan silang magbatukan.

Pagdating sa bahay ay sinalubong si Diego ng nakababata niyang kapatid.

"Kuya, nandiyan si Kuya Wilfredo.", sambit ng nakababata niyang kapatid.

Maliit na barung-baro lang ang bahay nila Diego pero puno ng kasangkapan. May tv, may ref, dvd player, washing machine at kung anu-ano pa. Kumpleto materyales dahil wala naman silang binabayarang bayarin tulad ng bahay, kuryente at tubig. Mga bagay na libreng nakukuha ng pamilya ni Diego dahal lahat ay illegal.

"O pare, napadalaw ka?", tanong ni Diego sa kaibigan.
"Pare, inom tayo. Sagot ko!", alok ni Wilfredo sa kaibigan.
"Kung sagot mo ba naman lagi eh di game ako diyan.", masayang sagot ni Diego sa kaibigan.

Dumukot sa bulsa ng isandaang piso si Wilfredo at inutusan ang kapatid ni Diegong bumili ng alak, juice, Boy Bawang at butong pakwan. Habang abala namang inayos ni Diego ang mesa at upuang gagamitin nila. Makalipas ang ilang minuto nagsimula na ang inuman session.

"Alangya ka pare. Gin bulag pala papainom mo. Tapos Boy Bawang at butong pakwan? Ano to may patay ba? Ang yabang mo pang mag-aya, kalo ko bigatin papainom mo. Pomelogin lang pala.", mapanglait na pang-aasar ni Diego sa kaibigan. Tumayo ito't kumuha ng limang piso sa bulsa. "Bunso, bili mo nga ako ng vetsin kila Aling Iska. Mukhang malalim problema ni kuya mo eh. Para mas lumakas lang ung tama.", sabay abot ng limang piso sa kapatid. "Hahahahahaha!"
"Mabuti na yan kesa wala noh. Ikaw nga hindi ka pa ni minsan nagpainom.", may halong pagka-asar na sabi ni Wilfredo sa kaibigan.
"Ano ba kasing problema?", tanong ni Digs sa kaibigan.
"Buntis si Anne at ako daw ang ama.", seryosong sagot ni Wilfredo.
"Ano pang inaantay mo?", sabay alok ng baso ke Wilfredo. "Simulan na natin ito."

Itutuloy...

Friday, October 22, 2010

Ang Pag-ibig ay parang isang Bisikleta



Sa umpisa matatakot ka..
Dadating yung puntong lalagyan ka ng dalawang gulong para unti- unti kang matuto..

Pag marunong ka na, hindi pa rin maiiwasan ang sumemplang..



na magiging dahilan para matakot ka ulit..


Pilitin mo mang kalimutan, bahagi na ito ng iyong pagkatao..


Dadating ang puntong sasakay ka ulit..Mas maingat kesa sa dati..
Sa puntong iyon magsusuot ka na ng helmet at knee pads para masaktan man ay di na kasing sakit nung una..


At magbibisikleta ka ulit...

Tuesday, October 12, 2010

A Borderless World by Patricia Evangelista


WHEN I was little, I wanted what many Filipino children all over the country wanted. I wanted to be blond, blue-eyed and white.

I thought — if I just wished hard enough and was good enough, I’d wake up on Christmas morning with snow outside my window and freckles across my nose!

More than four centuries under western domination can do that to you. I have 16 cousins. In a couple of years, there will just be five of us left in the Philippines, the rest will have gone abroad in search of “greener pastures.” It’s not an anomaly; it’s a trend; the Filipino diaspora . Today, about eight million Filipinos are scattered around the world.

There are those who disapprove of Filipinos who choose to leave. I used to. Maybe this is a natural reaction of someone who was left behind, smiling for family pictures that get emptier with each succeeding year. Desertion, I called it. My country is a land that has perpetually fought for the freedom to be itself. Our heroes offered their lives in the struggle against the Spanish, the Japanese, the Americans. To pack up and deny that identity is tantamount to spitting on that sacrifice.

Or is it? I don’t think so. Not anymore.

True, there is no denying this phenomenon, aided by the fact that what was once the other side of the world is now a 12-hour plane ride away. But this is a borderless world, where no individual can claim to be purely from where he is now. My mother is of Chinese descent, my father is a quarter Spanish, and I call myself a pure Filipino — a hybrid of sorts resulting from a combination of cultures.

Each square mile anywhere in the world is made up of people of different ethnicities, with national identities and individual personalities. Because of this, each square mile is already a microcosm of the world. In as much as this blessed spot that is England is the world, so is my neighborhood back home.

Seen this way, the Filipino Diaspora, or any sort of dispersal of populations, is not as ominous as so many claim. It must be understood. I come from a Third World country, one that is still trying mightily to get back on its feet after many years of dictatorship. But we shall make it, given more time. Especially now, when we have thousands of eager young minds who graduate from college every year. They have skills. They need jobs. We cannot absorb them all.

A borderless world presents a bigger opportunity, yet one that is not so much abandonment but an extension of identity. Even as we take, we give back. We are the 40,000 skilled nurses who support the United Kingdom’s National Health Service. We are the quarter-of-a-million seafarers manning most of the world’s commercial ships. We are your software engineers in Ireland, your construction workers in the Middle East, your doctors and caregivers in North America, and, your musical artists in London’s West End.
Nationalism isn’t bound by time or place. People from other nations migrate to create new nations, yet still remain essentially who they are. British society is itself an example of a multi-cultural nation, a melting pot of races, religions, arts and cultures. We are, indeed, in a borderless world!

Leaving sometimes isn’t a matter of choice. It’s coming back that is. The Hobbits of the shire traveled all over Middle-Earth, but they chose to come home, richer in every sense of the word. We call people like these balikbayans or the “returnees” — those who followed their dream, yet choose to return and share their mature talents and good fortune.

In a few years, I may take advantage of whatever opportunities that come my way. But I will come home. A borderless world doesn’t preclude the idea of a home. I’m a Filipino, and I’ll always be one. It isn’t about geography; it isn’t about boundaries. It’s about giving back to the country that shaped me.

And that’s going to be more important to me than seeing snow outside my window on a bright Christmas morning.

Mabuhay and thank you.

Author's Note
This was the speech made by Patricia Evangelista , who won the International Public Speaking competition in London, May 2004.

Una ko itong napakinggan nung 1st year college ako. Inspirational at maganda kasi ung message, plus maganda din si Miss Patty sa personal. Hehehehe.

Inspirational Speech


This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.



Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.


Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.


Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?


Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.


Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”


Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?


Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.


Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.


Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.


Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.


Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?


Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?


Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.


Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.


I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.


Akin ang transcript na ito.


Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.


This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.


Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

Author's Note
Nakita ko lang ito sa isang forum site(SYMB) na shinare nang isang member matapos mabasa sa Facebook. Na inspire ako kasi isa din akong grumaduate na madaeng bagsak. :)

Wednesday, October 6, 2010

Kwentong Sabog (3)

Kab. 1  Kab. 2 Kab.4

Alas-diyes ng gabi. Habang ang lahat ay patulog na, pasimula pa lang ang araw ng dalawa.

Sa Avenida naisipang lumagari ni Wilfredo, samantalang sa bandang Luneta naman naghanap ng mabibiktima si Diego.

"Adik!", ang sabi ng isang babae matapos makita si Diegong nagmamasid-masid sa tabi ng istatwa ng di mabatid kung kalabaw o tamarraw dahil sa dilim.

Si Ann-kaibigan ni Diego at kasintahan naman ng kaibigang si Wilfredo. Artistahin ang itsura. Maganda, maputi, matangkad, at malaki ang dibdib. Mahilig magsuot ng mga mapang-akit na damit at makapal mag make-up.

Tinignan muna na Diego ang dalaga mula ulo hanggang sa paa nito na animo'y nangingilatis ng isda. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.

"Ann, ikaw ba yan?", tanong ni Diego sa dalaga. "Nagshift ka na ba sa pagiging madre? Kulang na lang rosaryo, di na kita makikilala ah- Hehehe!", pang-aasar nito.

"Nasan ang magaling mong kaibigan?", tanong ni Ann habang pinapaputok ang nguya nguyang chewing gum sa bibig. Hindi pinansin ang pang-aasar nito.

"Hindi ko alam eh. Bat di mo i-text?", ang sagot ni Diego habang pasimpleng nakatitig sa dibdib ni Ann.

"T*ngna mo! Alam ko yang iniisip mo.",sigaw ni Ann matapos mapansin ang malaswang tingin ni Diego sa kanya. "Di tayo talo. Isusumbong kita ke Pe-ped eh.", dagdag pa niya. Pe-ped ang tawag ni Ann ke Wilfredo.

"Nakakapanibago kasi eh. Hinahanap-hanap ng mata ko ung bintanang madalas magpasilip sa akin diyan eh.", nakangiting sabi ni Diego. "Huwag mong sabihing magbabagong buhay ka na?", dagdag pa nito.

"Basta pag nakita mo si Pe-ped, sabihin mo gusto ko siyang makausap.", sabi ni Ann ke Diego. May pagkaseryoso ang pagkakasabi nito. Pagkatapos ay agad itong umalis papalayo sa kanya.

Pagkaalis ni Ann, sakto naman nakakita na si Diego ng mabibiktima.

Sinundan niya ito hanggang sa sumakay sila pareho ng jeep papuntang Quiapo. Maluwag ang jeep at apat lang silang pasahero. Tinabihan niya ito, at sakto namang pumuwesto ito sa bandang dulo.

Maganda ang babaeng kanyang magiging biktima. Posturang postura ang porma- maganda ang damit at naka Louis Vuitton na bag, higheels at kung anu-anong burloloy sa katawan tulad ng relo, bracelet, kwintas, singsing at hikaw. Pasimple niya itong siniksik. Pagdating sa may bandang City Hall ng Maynila ay binigkas na niya ang magic words.


*******


"Anong oras na?", tanong ng isang mama kay Wilfredo.

Nakatayo si Wilfredo sa kanto sa pagitan ng Recto at Avenida. Wala pang limang minuto, nakakuha agad siya ng customer.

"10:04", sagot niya sa mama.

Medyo mataba ang mama at maaaninag sa ulo nito ang ilaw ng mga poste sa Avenida gayong makintab ito't manipis na dahil sa katandaan. Tinignan siya nito mula ulo hanggang sa paa.

"So, san tayo?", tanong ng mama ke Wilfredo.

"Kayong bahala. Kayo naman ang magbabayad ng serbisyo at kwarto. Pwede din sa bahay niyo.", sagot ni Wilfredo sa mama. "Pero kung gusto niyong makatipid, may alam ako ditong malapit lang."

Pumara ang mama ng taxi. Sumakay silang pareho.

"Manong, sa Sta.Mesa tayo.", sabi ng mama sa manong driver.

Sa loob ng taxi inusisa si Wilfredo ng mamang customer. Ininterview siya ng bonggang-bongga. Nakaugalian na daw kasi ni mamang customer na kilalanin ang mga nakakasalimuha niya ng todo. Paraan din daw niya ito para mas magkapalagayan ang kalooban nilang dalawa. Makalipas lang ang ilang minuto, nasa Sta.Mesa na sila. Ilan beses din silang nagpaikot-ikot bago makapili ng motel na tutuluyan nila.

At nangyari na nga ang dapat na mangyari.


*******


Hingal kabayo na si Diego. Sa tanan ng buhay niya ngayon lang siya napatakbo ng ganito kabilis at kalayo. Hindi naman niya akalaing sisigaw ang babaeng bibiktimahin niya matapos niya itong manakawan. Napukaw tuloy ang pansin ng ibang lalake sa kabilang jeep at hinabol siya, dagdagan pa ng mga tambay na nakihabol din matapos malaman ang nangyayari. Alam niyang sa araw na ito, naka-jackpot siya kaya ganon na lang ang pagtakas niya sa mga humahabol sa kanya.

Naisipan niyang magtago sa animo'y maliit na kastilyo ni Mario na ginawang guard tower nung panahon ng mga Kastila para bantayan kung sinu mang papasok o aatake dito. Ang dating Maynila- na mas kilala na ngayon sa pangalang Intramuros. Mapanghi sa loob pero tiniis niya ang masangsang na amoy para lang matakasan ang mga humahabol sa kanya. Nagpalit ng damit at makalipas lang ang labin-limang minuto, matapos masigurong ligtas na siya ay tinahak na niya ang daan pauwi.


*******

Kinabukasan...

"Tok, tok, tok!"

Maagang may nambulabog sa bahay ni Wilfredo. Sa pag-aakalang si Digs ang kumakatok ay agad niyang binuksan ang pinto. Bumungad sa pinto si Ann, at may dalang mga bagahe.

"Ann, napasugod ka?", pagtatakang tanong ni Wilfredo sa nobya. "Andae mo atang dala?"

"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hindi mo rin nirereplyan mga text ko.", bungad naman ni Ann sa nobyo. "Pe-ped, buntis ako!"

Nagulat si Wilfredo sa kanyang narinig.

Itutuloy...

Tuesday, September 21, 2010

Unchanging (1)

Alas singko ng hapon. Halos lahat ng makasalubong sa daan ni Dennis ay papauwi na, samantalang siya papasok pa lang ng trabaho. Posturang postura habang nilalakad ang daan patungo sa terminal ng jeep. Long sleeve na polo, itim na slacks at itim na sapatos na patusok ang dulo, samahan mo pa ng kurbatang animo'y nakapulupot sa leeg. Kulang na lang- Bibliya o di kaya'y Encyclopedia at ayos na ang porma.

Bilang isang call center agent, nakasanayan na niya ang bagong mundong ginagalawan niya. Ang mundong kung saan ang araw ay ang gabi, at ang gabi naman ay ang sa araw. Sumakay siya ng jeep at pumewesto sa bandang likod ng driver upang makanakaw ng idlip sa byahe. Tyempo namang sumakay ang dalawang kolehiyala na walang ampat na nagkwentuhan sa tabi niya. Inaliw na lang niya ang sarili sa simpleng pakikinig sa dalawa habang nag-aantay ng mga pasahero ang jeep. Lalake, pag-ibig, quiz sa Trigonometry, kinaiinisan nilang malanding kaklase, lalake, pag-ibig at kinaiinisan nilang malanding kaklase ulit, na nagpaulit-ulit pa. Matapos mapakinggan ng pangalawang ulit, nagsawa na agad ang tenga ni Dennis. Pangatlo, pang-apat, nakabisado na niya ang buong istorya. Pati tuloy siya, nahirapan ng maka-get over sa narinig.

Maya-maya'y may sumakay na isang dalaga. Lahat ng pasahero napatingin sa ganda nito. Si Dennis naman napangiti lang sa kanyang puwesto. Pumewesto ito sa tapat niya. Unti-unti ang ngiti ay napalitan ng kaba. Naglalaro sa isip niya kung anong sasabihin sa dalaga. Nagkatinginan silang dalawa. Natulala si Dennis at nagmistulang bato sa kaba.

"Uy, ikaw pala yan. Kamusta na?", tanong kay Dennis ng dalaga.

********************

Umiiyak ang bata. Pinapalibutan siya ng mga kalaro nito at inaaway, tinutukso. Lumapit naman ang isang batang lalake at pinagtanggol ang batang api. Matapos magapi ang mga kaaway ay pinatahan ng batang si Dennis ang batang kawawa.

"Wala na sila kaya tumahan ka na.", ang sabi ni Dennis sa batang babae.

Pinunasan ng bata ang kanyang mga mata, pati na rin ang numerong onse na tumutulo sa ilong nito. Tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig habang patuloy pa din ang paghikbi.

"Huwag kang mag-alala, wala na sila. Wala nang aaway sa'yo", pangungumbinsi ni Dennis sa batang sipunin. "Ako nga pala si Dennis. Ikaw, anong pangalan mo?", ang tanong ni Dennis habang tinutulungang magpagpag ng dumi ang batang iyakin.

"Ako si Clarisse.", sagot ng batang sipunin.

"Clarisse? Ako naman si Dennis", pagpapakilala ni Dennis sa batang si Clarisse. "Mula ngayon ako na ang tagapagtanggol mo, kaya wag ka nang iiyak ah. Hangga't nandito ako, walang aaway sa'yo."

Ngumiti naman ang batang si Clarisse sa narinig. Kitang kita ang kasiyahan sa mga mata nito at sa makinang na ngiti kahit kulang kulang ang ngipin. Ginantihan naman ito ni Dennis ng matamis din niyang ngiti. Sabay pakita ang tigdalawang ngipin nito sa itaas at baba ng gilagid.

********************

"Ok naman ako. Ikaw?", ang tanong ni Dennis sa dalaga.

"Ok din naman. Papasok ka pa lang?", tanong ni Clarisse sa kanya.

"Yup. Ganito talaga eh. Ikaw ba?", ang tanong naman niya.

"Hindi, dadaan lang ako ng SM kasi may bibilhin ako.", ang sagot ni Clarisse sa tanong nito. "Bayad ka na ba?"

Dun lang naisip ni Dennis na hindi pa pala siya bayad. Umiling siya't agad kinuha ang wallet upang makapagbayad.

"Ako na. Ma bayad po.", sabay abot ng singkwenta pesos sa driver. "Dalawa po iyan. San ka nga pala bababa?"

"Sa SM din.", nahihiyang sagot ni Dennis sa dalaga. Lalo tuloy siyang namutla at nanliit sa kinauupuan niya dahil sa hiya. "Salamat ah. Bawi na lang ako sa susunod."

"Sus, wala yun noh. Para ka namang iba niyan eh.", ang natatawang sagot ni Clarisse. "Miss, pwedeng pausog?", sabay lipat sa tabi ni Dennis ng dalaga. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkatuwa sa muli nilang pagkikita.

Itutuloy...

Wednesday, September 15, 2010

Kwentong Sabog (Kab.2)

Kab. 1  Kab. 3 Kab. 4

Makalipas ang ilang minuto, nag-iba na ang eksena. Masayang nagtatawanan ang dalawa, kung anong dahilan ay hindi mawari. Wala namang nadagdag sa kanila maliban sa usok na bumabalot sa paligid.

"Ano sabog ka na no? Langya, di ka na mapakali diyan eh.", tanong ni Wilfredo sa kaibigan.

"Sabog ka diyan? Baka ikaw? Tignan mo nga sa salamin yang mata mo oh. Konti na lang mukha nang kalampaging sasakyan."

"Kalampaging sasakyan ka diyan?"

"Oo, konti na lang titirik na.", pang-aasar ni Diego sa kaibigan.

"Ulol! Ang yabang ng dating mo kanina,tapos yun pala katiting lang dala mo. Kumbaga sa ulam hindi man lang ako natinga eh. Tapos sasabihan mo ako ng sabog?"

"Mabuti na yan kesa wala noh. At least kahit papaano meron."

Natahimik si Wilfredo sa nasabi ng kaibigan. Ipinasyal niya ang paningin niya sa loob ng kanyang tahanan. Ilang minuto na lang magdidilim na. Ipinako niya ang paningin sa agiw na nakasabit sa kisame upang maialis sa isip niya pagtatakam pa sa naging dala ni Diego.

"Wala na ba talaga?"

"Ubos na.", habang pinapakita ang laman ng kanyang bulsa.

"Hanggang kelan kaya tayo ganito Diego?", pag-iisip isip at usisa ni Wilfredo sa kaibigan.

"Malay ko. Bakit nagsasawa ka na ba?", ang tanong na sagot niya sa kaibigan.

"Ewan ko. Hindi ko alam eh."

"Habang di mo pa alam ang sagot, eh di enjoyin mo na lang. Ang iniisip ko ngayon, masarap kaya yung cocaine?"

"Malamang. Pag mahal, eh di masarap."

"Mahal ka diyan? Kung makapagsalita ka parang nakabili ka na ah."

"Hindi pa. Pero pagkakatanda ko tawag sa shabu "Poor Man's Cocaine". Kumbaga sa tagalog, cocaine ni Diegong mahirap! Hahahaha!"

Lumapit si Wilfredo sa kaibigan. Iniayos ang suot na damit na animoy nakasuot ng Amerikana.

"Yan ang natutunan ko sa pagpasok sa eskwela. Palibhasa kasi puro ka singhot ng solvent. Buti pa ako nakapag-aral.", pagyayabang ni Wilfredo sa kaibigan.

"Pakyu! Kung makapagsalita ka kala mo ang linis linis mo ah.", asar na sagot ni Diego sa kaibigan.

"Syempre, clean living yata ito. Ikaw lang naman B.I. sakin eh.", mayabang na pagsisinungaling niya sa kaibigan.

Alam niyang hindi ito kinagat ng kaibigan. Kitang kita naman ito sa reaksyon at pabirong pagsapak nito sa kanya. Malinaw pa sa isipan niya na animo'y kahapon lang nangyari. Highschool pa lang siya non. Tandang tanda pa niya ang kulay at amoy ng unang gamot na inabuso niya. Sa sobrang pagkaadik niya sa strawberry ay nilaklak niya ng buo ang isang bote ng cough syrup na gamot ng nakababata niyang kapatid sa kanyang ubo. Hindi niya makalimutan ang eksenang pinalo ng kanilang ina ang kanyang kapatid sa pag-aakalang siya ang umubos nito. Unang beses na nasundan pa ng makailang ulit.

"Pero hindi nga pare, seryoso." seryosong pagsasalita ni Diego. "Mahal ba talaga yun?", habang nag-iisip ng malalim.

"Oo nga. Tignan mo na lang sa balita- May Congressman, o di kaya celebrity. May nahuli sa Hongkong meron din sa Guam. 'Yung nahuli nga nito lang nakapagpiyansa agad eh. Nagbayad lang ng mahigit anim na milyong piso ata un.", sagot ni Wilfredo sa usisa ng kaibigan. "Saka mukhang sa ibang bansa sila bumibili eh. Dollars un 'pre!", dagdag pa niya.

"Ganon ba? Kahit magkano yan! Pwede namang pag-ipunan.", mayabang na sambit ni Diego sa kaibigan. "Tingin mo ba madadala ako niyan sa langit?", tanong niya ke Wilfredo habang nakataas ang kamay na animo'y may gustong hablutin sa hangin.

"Sa sobrang sarap, diretso ka sa impyerno! Pero sama mo ako sa pangarap mo ah!, sabi ni Wilfredo habang naka-akbay sa kaibigan.

"Oo naman. Pwede bang lumakad si Batman kung wala si BatMobile?"

Tuesday, September 7, 2010

Lifesize Maskara

Hindi naman ako kriminal pero kelangan kong magsuot nang ganito sa sitwasyon na ito. Sa mga puntong ito kasi kritikal at kailangang mabura ang aking pagkatao. Kailangang mapaniwala ko silang ako itong nakikita nila, totoo at hindi si Peter na isang ordinaryong tao, isang ordinaryong manggagawa.

Una kong sinuot ang sa katawan. Agad nakumpirma ang sabi-sabi na mainit siya kapag isinuot. Huli ang maskara na tulong-tulong na ikinabit sa akin ng aking mga kasama dahil sa kalakihan at kabigatan nito. Sa suma tutal mabigat siya at napakainit. Mabuti na lang at may kalakihan ang aking katawan at hindi ako nahirapang kumilos.

"Peter, alam mo na ang gagawin mo ah?", tanong sa akin ng manager namin. "Basta dapat bibo ka at masigla. Sundin mo na lang kung anu-ano yung ipauutos ni Diana, ok?".

Buhay pa naman ako pero bakit parang maaga sa aking pinaparanas ang impyerno. Hindi na ako nagreklamo dahil parte naman ito ng trabaho ko at kahit papaano'y may dagdag na bayad naman ito sa suweldo ko. Lumabas ako ng pinto pagkatapos akong ipakilala ni Diana sa mga tao.

"Mga bata eto na si ********!", ang sabi ni Diana sa mga bata.

Hiyawan at tili ang sumalubong sa paglabas ko. Lahat nagsilapit. Lahat natuwa nung makita ako. Lahat gusto akong mahawakan o di kaya'y makurot man lang. Lumabas ang pagiging bata ng matatanda. Lahat gustong magpa-picture kasama ako. Siguro ganito kasaya at kasarap maging artista.

Mayroong malaking tarpaulin- HAPPY 4th BIRTHDAY PEARL! ang nakalagay dito kasama ang mga larawan ng birthday celebrant. Dali-dali kong tinungo si Pearl upang aliwin siya. Sa puntong iyon ko rin napansin kung sino ang kanyang kasama.

Si Carla- ang unang babaeng minahal ko. Pinaglayo kami dahil masyado pa raw kaming bata para pumasok sa ganoong relasyon. Hindi ko akalaing makalipas ang mahigit apat na taon ay makikita ko siyang may anak na. Sinubukan kong hanapin ang napangasawa niya sa kumpol ng madaming tao pero nabigo ako.

Binuhat ko si Pearl habang kinakantahan siya ng birthday song. May kung anong kuryente ang dumapo sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero napayakap ako sa kanya't pumatak ang luha sa aking mga mata. Napalitan ng langit ang impyernong kinalalagyan ko. Sa mga puntong iyon mas hiniling kong maging maskot na lang kesa sa ako. Mas mapapaligaya ko kasi siya sa ganitong paraan.

Tuesday, August 31, 2010

Kuwentong Sabog (Kab.1)

Kab. 2 Kab. 3 Kab. 4

Tok tok tok!

Ang katok na gumising kay Wilfredo habang mahimbing siyang natutulog. Matamlay niyang sinipat ang oras mula sa kanyang pagkakahiga sa kama. Alas-singko na ng hapon.

Tok tok tok!

hanggang sa maging...

Blag blag blag!
Blag blag blag!

Ramdam na sa taong kumakatok ang pagkainip nito. Wala nang nagawa si Wilfredo kundi labanan ang antok at tungian ang taong sumira ng tulog niya. Binuksan niya ang pinto't sumambulat sa kanya ang nakangising mukha ni Diego.

Si Diego- dalawampu't tatlong taong gulang at ang pinakamatalik niyang kaibigan. Kilala din sa kanilang lugar bilang si Payat dahil sa sobrang kapayatan nito o di kaya'y si Bangkay dahil sa itsura niyang parang kakaahon lang mula sa hukay. Matangkad at maputi. Mahaba ang buhok na nakahawi sa kanan na tumatakip sa isa niyang mata. Kung bakit nakahawi ang buhok ay sa kadahilanang isa daw siyang emo.

"Taena naman Digs! Kala ko kung sino na? Ikaw lang pala. Sarap ng tulog ko eh!", ang inis na bati ni Wilfredo sa kaibigan.

"Oh, highblood ka ata Justin Bieber? Mahina ba ang raket kagabi?", ang mapang-asar na tanong ni Diego sa kaibigan habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa.

Si Wilfredo- ang Pilipino version ni Justin Bieber para kay Diego. Justin Bieber sa kadahilanang mahaba ang kanyang buhok na tulad ng kay Justin Bieber. Dalawampu't apat na taong gulang. May mamasel na pangangatawan na kanyang puhunan sa kanyang trabaho.

Naging matalik silang magkaibigan matapos nilang magsuntukan at masaksak sa tagiliran ang isa sa kanila. Hindi batid kung anong dahilan ng kanilang pag-aaway at kung sino sa kanila ang nasaksak.

Pinakita ni Wilfredo ang kamao sa kaibigan.

"Gusto mong makatikim nito? Magtigil ka ah. Saka hindi ako si Justin Bieber, hindi ako boses ipis at mama's boy noh!", ang naisagot niya sa kaibigan.

"Ang init ng ulo mo. Wala bang mga pahinante kagabi, hindi mo ba naabot ang quota?", ang mapang-asar na tanong ulit ni Diego sa kaibigan.

"Wala, mahina. Langyang customer yan, kelakas-lakas umungol tapos binigyan lang ako ng P300. Takte binugbog ko nga.", ang sagot ni Wilfredo.

"Saka lilipat ako ng puwesto. Baka bumalik don at ipahuli ako. Mahirap na.", dagdag ni Wilfredo.

"Mahina kasi yang raket mo eh. Tignan mo ako? Isang takbo lang solve na agad. Puwede nang pangkain.", sambit ni Diego sa kaibigan.

"Kung makapagsalita ah. Bakit, may natakbo ka na ba?", tanong ni Wilfredo sa kaibigan.

"Malamang! Kaya nga andito ako eh. Isang cellphone galing sa bulsa ng estudyante. Binalandra ba naman sa mukha ko. Nayabangan ako kaya tinira ko na.", pagyayabang ng kaibigan.

Dumukot mula sa bulsa si Diego. May kung anong bagay na nakabalot sa papel. Pinakita niya ito sa kaibigan, na natuwa naman agad sa nakita niya.

"Ano tirahin na natin ito?" ang nakangiting tanong niya sa kaibigan.

"Para mawala naman yang alat sa mukha mo.", dagdag ni Diego sa kaibigan.

Pumunta si Wilfredo sa lamesa. Binato niya ke Diego ang lighter na may larawan ng seksing dalaga, na nasalo naman ng huli.

"Walang basagan ng trip ah.", ang sambit ni Wilfredo sa kaibigan.

"Oo naman.", ang nakangiting sagot ng kaibigan.

Itutuloy...

Tuesday, August 24, 2010

Walang kahihinatnan ang anumang dinadaan sa dahas

Kahapon, Aug 24, 2010 ay hinostage
ni Rolando Mendoza, isang dating
senior police inspector ang isang bus
na naglalaman ng mga dayuhang
namamasyal lamang sa ating bansa.


At tulad ng mga dating hostage
situation, natapos ito sa madugong
paraan. Kung saan namatay ang
hostage-taker at ilang hostages
nito, isama na din natin ang mga
sugatang hostages at isang
bystander na nahagip ng ligaw na
bala.


Naiwasan sana ito kung naisip ni
Rolando Mendoza na ipaalam na
lang ang kanyang hinaing sa maayos
at mapayapang paraan.


Meron naman nang website si P-
Noy kung saan pwede mo dung
sabihin ang iyong mga hinaing.
Pero napag-isip isip niya sigurong
malabong marinig siya dito at sa
huling tingin ko ay nung August 16
pa ang huling beses na may nagpasa
nang hinaing nila dito.


Naiwasan sana ito kung wala siyang
dalang mataas na kalibre ng baril.


Hindi ko alam kung paanong
nakahawak siya nang ganoong
kataas na kalibre ng armas gayong
natanggal na pala siya sa serbisyo.
Sana naman maimbestigahan din
ito.


Naiwasan sana ito kung hindi
naging tanga ang mga pulis.


Nakikisama naman ang hostage-
taker gayong pinakawalan pa nga
niya ang ilang mga hostages at
pinakain pa niya ang mga ito.


Sinasabing ang nag-trigger ng
kanyang pag-aamok ay nung makita
niya daw sa telebisyon nang
damputin ng mga pulis ang kanyang
kapatid. Hindi na dapat ginawa yon
gayong tumutulong naman siya
negosasyon. Maling gipitin ang
kamag-anak ng isang hostage-taker
lalong-lalo na't nakikita niya ito.


Hindi din dapat muna sumugod ang
mga pulis maski sinabi na nang
nakatakas na driver na patay na
ang lahat ng hostages. Dapat
sinugurado muna nila ito at sinukat
ng maayos ang susunod nilang
hakbang.


Hindi din dapat may natamaang
bystander kung mahigpit na
pinatupad ng mga pulis ang
seguridad sa lugar. Na kung saan
walang sinuman na walang
kinalaman at kinauukulan ang
makakalapit dito. Kitang-kita
naman ito sa natamaang bystander
at sa pagdagsa ng mga ususero
matapos ang hostage-crisis.


Tanga na mas malala pa sa pagiging
bobo. Dahil ang bobo ay natuturuan
samantalang ang tanga ay hindi na.
Hindi natin pupuwedeng idahilan
na kulang sa pagsasanay ang ating
kapulisan. Minsan naman kasi
kailangan din nating gumamit ng
common sense.


Ang panghohostage na ginawa ni
Rolando Mendoza ay ang napili
niyang paraan para iparating ang
kanyang hinaing sa gobyerno.
Naging paraan din ito upang
ipamukha sa mundo kung gano tayo
kalala sa paghawak ng isang hostage
situation. Kahit papano'y pinarating
niya ulit sa mga kinauukulan kung
ano ang mga pagkukulang sa
sistema.


Walang kinahitnan ang pag-aamok
niya. Wag din naman sanang walang
kahinatnan ang leksiyon na ito.


Nakikiramay ako sa mga biktima at
ipinagdarasal ko ang katahimikan
ng kanilang mga kaluluwa gayon na
din ang kapayapaan sa inyong mga
naiwang mahal sa buhay.

Friday, August 13, 2010

Sukamon

Sukamon: pangngalan.

1. Tumutukoy sa isang taong kinaiinisan, kinasusuklaman at kinagagalitan mo. Tulad nang suka, nagdudulot ng kasiyahan at kaginhawahan sa isang tao matapos ito'y matanggal sa iyong sistema.

2. Karamihan sa kanila'y mga pulitiko.

3. Isang digimon na hugis tae sa mundo ng mga Digimon. Sa mundo ng mga tao, isang taeng nagkorteng tao. Tulad ng tae, kaginhawahan ang maidudulot pag nailabas na sa sistema. Mahirap paglaruan, hindi mo rin kayang galawin, maangas at nag-iiwan ng bakas kahit wala na. Hindi mo din sila kayang tapakan dahil kadalasan sa kanila'y mayaman at makapangyarihan.

Friday, August 6, 2010

Pagbisita sa Bulok na Sistema

Isang ordinaryong araw. Wala sana akong balak umalis ng bahay ng biglang mag-text ang nanay ko. Matapos kong i-decode ang text niyang kulang-kulang ng vowels at punctuation marks ay napag-alaman kong pinapapunta niya ako sa DEPED upang kuhanin ang Service Record niya at tignan na din kung may school assignment na ako.

Pumasok ako ng aking kwarto at kinuha ang aking twalya upang maligo. Matapos ang mahigit isang oras ay umalis na ako ng aming bahay upang pumunta sa aking patutunguhan.

Sumakay ako ng jeep patungong Monumento- P27.50 ang pamasahe. Kahit na bababa ka lang sa kanto ay babayaran mo pa rin nang buo ang pamasahe. Walang minimum- minimum, wala ding discount minsan sa mga estudyante, at minsan wala ding isusukli sa iyong 50c. Malabo na din ang bigyan ka ng kendi, dahil piso na ito kada piraso. Isa sa mga bagay na kinaiinisan ko samin. Nung estudyate pa ako, limitado lang kaming estudyante ang pwede sa jeep. Pag pang-lima ka, may dalawa kang option- wag na lang kunin ang discount mo o di kaya ay bumaba at makipag-unahan sa susunod na sasakyan. Naalala kong ilang complaints na ang pinadala namin sa LTFRB pero hanggang sa ngayon ay wala pa ding aksyon akong nakikita. Ewan ko tuloy kung natrapik ba yung reklamo namin o talagang tamad lang sila.

Makalipas ang ilang minuto, napuno din ang tag-labing limahang jeep. Inisip ko tuloy kung lugi pa ba sila sa kanilang pasada. Fifteen times P27.50 tapos sama mo pa ung dalawa sa unahan. Tapos times mo sa kung ilan ang pasada nila sa isang araw. Hindi ko na inalam kung magkano dahil hindi naman ako ganon kagaling sa Math.

Mawawala na sana ang inis ko nang biglang natrapik kami sa kanto. Dagdagan mo pa ng biglaang pagsingit ng mobile ng pulis sa amin. Naalala tuloy ni Manong driver ung sinabi ni Pangulo na walang counter flow. Pero sa kinalalagyan namin, mismong tagapagpatupad ng batas ang numero unong sumasaway dito. CALOOCAN POLICE- ang nakasulat sa likod ng mobile. Dayo na nga lang sa lugar, sila pa ang mayabang. Wala na kaming nagawa nang humarurot palayo samin ang mobile, sabay sabi ni Manong Driver na, "kaya mahirap pagkatiwalaan ang pulis eh. Mapagkakatiwalaan mo ba yung mga ganyan?".

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating din ako sa Monumento. Masasabi kong namiss ko ang urbanidad dahil sa isang buwan na din mula nang huli tumungtong ako dito. Sumakay ako ng LRT patungong Central Terminal. Habang papaakyat ako eh dahan- dahan saking bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. 
Tandang- tanda ko pa at naranasan ko pa ang pagsakay ko sa LRT noong mga panahong hindi pa ito aircon. Isama mo pa ang pisong pamasahe mula Blumentritt hanggang sa Monumento. Noon, maski mainit ay marami na silang paprokyano. Ngayon, masasabi kong mas dumami pa ito. Naisip ko tuloy kung tunay bang nalulugi ito. Gayong airconditioned na ang tren. Isama mo pa ang mga offices ng mga kawani nila na airconditioned na din. Gusto ko tuloy malaman kung magkano ba ang kinikita ng LRT and MRT gayong wala namang ibinibigay sa iyong resibo kapag bumibili ka ng tiket nila. Isama mo pa ang kita ng advertisements sa loob ng tren at stations nila. Hindi pa kasama diyan ang mga food carts at loading stations na nag-o occupy ng space sa stations nila. Kung ikaw ang tatanungin ko na bumabasa nito, nalulugi ba o sa tingin mo ay may mahikang nangyayari sa loob ng pamunuan nila?

Wag naman sanang itigil ng gobyerno ang pagsubsidize sa LRT at MRT. Base sa kasaysayan, mula ng bitawan ng gobyerno ang industriya ng elektrisidad sa ating bansa at ang industriya ng langis ay nagsimula ng lumobo at magmahal ang presyo nito. Wag naman sanang idamay pati ito.

Unti- unting napuno ang tren. Makalipas ang mahigit kinse minuto ay nakarating na din ako sa Central. Terminal. Tumawid ako ng kalsada at tinungo ang opisina ng Department of Education, Manila. Binisita ko agad ang records section. Agad kong tinungo si Mam na minsan mabait at minsan naman ay masungit. Binati ko muna ng "Good Afternoon po" na sinamahan ng sinseridad na ngiti. Ngumiti din siya at tinanong kung anong pakay ko.

"Uhmm.. ask lang po sana ako ng update po sa School Assignments."
" Sang school ka ba nag-apply?"
" Sa MLQ po."
" Pang anim ka pala. Wala pa din eh. Pero malapit na yan."
" Ganon po ba? Sige po. Salamat na lang po!"

Anim na buwan na mula nang nag-pasa ako ng application. Matagal tagal na din mula nung lumabas ung results pero hanggang sa ngayon wala pa din akong assignment. Sabi nila, wala daw kasing pampasahod sa mga bagong teachers. Ang irony nga naman. Sasabihin nila na kulang tayo ng guro pero pag nag-apply ka naman eh pahirapan din. Maraming bakante pero walang perang pampasahod. Mabuti pa ang Barangay Captain, mas mataas ang sahod sa mga guro. Sitting pretty sa office nilang kuntodo aircon. Buti pa ang pulis at sundalo, tinaasan na ang sahod. May mga malakas mangotong, may mga kurap at may mga libreng housing pa. Andaing benepisyo. Ayan na binigay na ang gusto niyo, wag na sana kayong magkudeta.

Inisip ko tuloy ngayon kung mag-resign din kaya mga teachers at bakantihin ang lahat ng eskwela tulad ng ginawa ng mga piloto ng PAL, mapapansin na kaya ang kanilang hinaing? Kung sapat ang benepisyo ni Ma'am at ni Sir, siguro wala ng saleslady o di kaya'y mini-tindahan ang mga guro natin.

Iniisip niyo siguro kung madami akong sentimiento sa pagiging guro, e bat un ang kinuha ko? Ang sagot ay ewan ko. Sabi nga nila- sa pamilya niyo, may magmamana't magmamana ng trabaho na nagpapakain sa inyo. Hindi ko pinili ang pagtuturo, ang pagtuturo ang pumili sa akin.

Sinabi ko na lang sa sarili ko, magtuturo ako sa pampublikong paaralan dahil isa akong produkto ng pampublikong paaralan. Kaya tama lang sigurong ibalik ko sa gobyerno ang nakuha kong yaman sa kanya. Sumusulat ako ngayon dahil sa ganitong paraan ko pedeng iparating ang aking mga hinaing, na hinaing din ng ina kong guro din at ng mga gurong nakasalimuha ko sa mahabang panahon. 

Sunday, July 18, 2010

Panawagan ng isang Tenga at Utak...

"Tangina! Bat di kasi ako nakinig?"

Ang mga salitang nasambit ng isang estudyante matapos ma-zero sa isang pagsusulit.

Ang mga salita ding nasambit ng isang dalagita matapos pumasa at makakuha ng 100% sa isang pregnancy test.

Ang mga kataga ding nasambit ng isang magulang matapos makitang nakabigti ang anak matapos nilang magtalo at di pakinggan ang huli.

Ang mga kataga ding nasambit ng isang mister matapos iwanan ng asawa dahil sa madalas niyang pangingibabaw sa tuwing sila'y nagtatalo.

Ang mga kataga ding nasambit ng isang motorista matapos magyabang at mabaril ng isang nakagitgitan sa kalsada.

Ang mga kataga ding nasambit ng isa pang motorista matapos mahimas-masan matapos magyabang at uminit ang ulo't barilin ang isang nakagitgitan sa kalsada.

Ang mga kataga ding nasambit ng ilang terorista matapos matigil ang peace talks at magdeklara ng gyera ang gobyerno laban sa kanila.

Ang mga kataga ding nasambit ng ilang pulitiko matapos umayaw sa peace talks ang mga terorista at igiit ang gusto lang nila.

Ang mga kataga ding nasambit ng ilang pulitiko matapos magkagulo't sugurin ng mga militante matapos ikulong ang ilan nilang kasamahang di pinakinggan sa kanilang protesta.

Lahat sana ito naiwasan kung marunong lang tayong

MAKINIG.

Lahat tayo ay may nais sabihin. Pero paano ka pakikinggan kung hindi ka din naman marunong makinig. Simple pero mahirap gawin. Lahat naman tayo ay may tenga ngunit hindi natin nagagamit ng maayos at mabuti.

Naniniwala naman kasi akong lahat ay madadaan sa mabuting usapan, pero hindi lang sapat na marunong kang makinig...

Dapat marunong ka ding 

UMUNAWA.

Nilagay ang auditory nerve sa iyong tenga para i-transmit ang mensaheng iyong narinig sa iyong utak. Gamitin po sana natin ito ng maayos.

Marami pong Salamat sa inyong pakikinig. Sana po'y naunawaan niyo ang nais kong iparating. Kung may nais man po kayong sabihin ay handa ko po kayong pakinggan.

Friday, July 9, 2010

Baboy sa bariles

"Minsan 300, pag maswerte nakaka 500. Sa awa ng Diyos nakakaraos naman kami." ang sabi ng isang simpleng Juan Dela Cruz.





"P70 million per year tapos babawasan niyo pa ng P10 million? Pano na ako at ang mga constituents ko. Tingin niyo ba magkakasya yon?" ang sagot ng pulitiko sa balitang babawasan ang kanilang pork barrel.



kakabadtrip!

Wednesday, July 7, 2010

Kita tayo Bukas! (finale)


Page 1 2 3
4

Nagwalk-out si Bebang dahil sa nangyari. Hindi ko inakalang magagalit siya sa hindi ko agad pagsagot sa tanong niya. Pagkalipas ng ilang minuto, nagpasya na din akong umakyat sa klase.

Nasa loob na ng silid-aralan si Bebang nang umakyat ako. Kakausapin ko sana siya pero bakas pa din ang pagkayamot sa kanyang mukha. Initsa ko ang bag ko sa aking upuan at napagpasyahang tumambay na lang muna sa labas habang wala pang prof. Pagdating sa pasilyo ay nakita kong nakakumpol dun ang tropa ko habang mga nagyoyosi. Gumuhit ang mga mapanlokong ngiti nila ng makita akong papalapit.

Kinutuban ako. Takte. Iniiwasan ko ngang malaman ng buong madla pero mukhang alam na ng tropa ko. Maiingay pa naman tong mga mokong na ito. Sabagay mga matatalik ko naman silang kaibigan, at saka kailangan ko ngayon ng malalabasan ng saloobin.

"Kamusta loverboy?" ang bungad sakin ni Gary pagkalapit na pagkalapit ko, na agad na kumumpira sa kutob ko.

Si Gary, ang patpating rockstar. Hindi naman siya adik, pero adik lang minsan magsalita. Makulit kasama at mahilig maglaro ng drums sa arcade section ng mga malls na nakakalat sa Metro Manila.

"Loverboy kayo diyan." ang sagot kong medyo may pagka patay malisya.

"Ang siste kasi tsong, eh sa di inaasahang pagkakataon eh nakita namin kayo ni Bebang sa baba. Magkasama at magkausap. At mukhang may alab sa inyong pag-titinginan." ang sambit ni Pepito na parang tumutula.

Si Pepito naman ang animoy kuya sa grupo. Mature kasi ang itsura niya. Balbon at mabuhok ang buong katawan pwera lang sa kili-kili. May pagka hopeless romantic at mas mababa pa ang self-esteem kay Hanamichi Sakuragi pag nababasted ng babae. Masarap kausap pagdating sa pag-ibig, pulitika at mga malalalim na paksa ng buhay. Malakas manlibre.

"Hehehe. Nice one tsong. Kaso nag-iba ata bigla ang taste mo." ang nasambit naman ni Bembol na may tonong pagkasabik at pagtataka.

Si Bembol naman ang chickboy ng tropa. Kung meron B1 at B2, meron namang Bentong at Bembol sa klase. Love guru at mahilig sa mga tsikas. Magaling sa mga pick-up lines. Sa sobrang galing, kaya niyang ipasabi ng babae ang vital statistics niya ng hindi niya namamalayan. Adik sa ragnarok at DOTA. Favorite pastime ang pagkuha ng picture ng mga nakausling panty ng mga kaklase namin sa klase. Pag may pagka low waist ka magpantalon at nagkataong nasa likod mo siya nakaupo, ay malamang pipicturan niya ang panty mo sa oras na makita niya ito.

Nagsama-sama na naman kaming apat. Ang apat na lalake sa klase, dahil ang iba naman ay medyo kwestiyonable ang sekswalidad. Ang mga kasundo ko sa maraming bagay-cutting of classes, computer, dota, babae, libog, usted at marami pang iba. Basagan ng pagkatao ang madalas naming pinag-uusapan na kami-kami din mismo ang kadalasang topic.

Naisip ko ang sinabi ni Bembol, "Nag-iba ata bigla ang taste mo" napansin ko na may pagkakahawig ito sa tinanong sa akin ni Bebang. Marahil napansin niya na hindi mga tipong tulad niya ang pinopormahan ko dati.

Napagpasyahan kong ikuwento sa kanila ang tunay na sitwasyon. Litanya kung litanya. Medyo binarubal ako nung una pero pagtatagal tagal ay napalitan naman ng mga words of wisdom, advice, at encouragement. Bandang huli, e natapos din ang meeting namin at umani ako ng suporta.

Nung napansin namang nandiyan na ang prof ay pumasok na din kami. At nagsimula ang klase. Lumilipad ang utak ko. Maya't-maya kong sinusulyapan si Bebang. Bakas pa din sa mukha niya ang pagkayamot, na mas lalong nagpangamba sa akin. Si Pepito naman ay haharangan ang view ko ke Bebang at makikipagtitigan sakin habang nakangisi ang mukha. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Napagpasyahan kong kausapin si Bebang pagkadating ng breaktime. Dun ko sasabihin ang tunay na nararamdaman ko sa kanya. Dun ko na din sasabihin ang sagot ko sa tanong niya kanina.

_______

"Galit ka pa ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Hindi ako galit." ang sagot niya sa tanong ko.

Kita pa rin sa mukha niya ang pagkayamot. Samahan mo pa sa tono ng kanyang pagsasalita.

"Kung hindi ka galit, eh ano? Sana naman wag ka nang mainis sa akin." ang nasabi ko na parang mas akma sa nararamdaman niya.
"........" katahimikan lang ang sinagot niya sa akin.

Tinignan ko ang mukha niya. Tinantya ang mood niya. Nakakabingi ang katahimikan naming dalawa. Nung mukhang kalmado na siya't handang makinig, saka ko sinimulan ang sasabihin ko.

Huminga muna ako ng malalim. Pumikit sandali at inalis ang iba pang bagay sa aking isip. Pinatigil ko ang mundo ko at tinuon lang ang buong atensyon sa kanya.

"Sa totoo lang, masaya akong kasama ka. Hindi ko alam kung bakit, at wala din akong pakialam kung hindi ko alam ang sagot dun." ang mga katagang unang nasambit ko.

"Basta ang isang bagay lang na alam ko e mahal kita."

Magsasalita sana siya pero pinigilan ko siya.

"Yung sa tanong mo kanina, gusto kita dahil pinili kong ikaw ang gustuhin ko. Hindi naman sakin batayan ang pisikal na anyo. Kumukupas naman kasi yon. Gusto ko ang buong pagkatao mo. Ang itsura mo, ang ugali mo, pati ang pagiging moody mo. Sa akin kasi kung gusto mo ang isang tao, dapat gustuhin mo siya ng buo. Total package kumbaga. Wala naman kasing taong perpekto." ang dagdag ko.

"Kung bakit kita mahal, ang sagot ko ay ewan ko. Hindi naman kailangan ng dahilan para mahalin mo ang isang tao eh. Ang mahalaga e nagmahal ka. At sa isang tulad mo, ano bang hindi dapat mahalin?"

Tahimik lang si Bebang nung sinabi ko ang saloobin ko. Pero wala na ang bakas ng pagkainit at pagkayamot sa kanyang mukha.

Tinignan ko siya sa mata. Nagkatinginan kami ng matagal.

"Ang tanong e, mahal mo din ba ako? At papayag ka bang ipagkatiwala ang puso mo sa akin?" ang tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa mata ko at dahan-dahang nagdikit ang aming mga labi.


-wakas-

Author's note:

Sa araw na ito pinagdiriwang ni Bentong at Bebang ang kanilang 4th year anniversary bilang magkasintahan.

Happy Anniversary bhe!

love you so much!..

Tuesday, July 6, 2010

Tatlong Bampira

May tatlong bampirang katatapos lang manood ng Eclipse ang pumunta sa isang restaurant.

Mayaman: Fresh blood please!

Middle Class: Isang order nga po ng dinuguan, saka puto na din.

Mahirap: Enge nga pong mainit na tubig. May napulot akong napkin, kaya magtsa-tsaa na lang ako. :)

Monday, July 5, 2010

Ako si Invisible Man

"Hay buhay..."

Yan na lang ang nasabi ko habang pinagmamasdan kita mula sa malayo.

Gusto kitang kausapin,pero hindi ko alam kung pano ko gagawin. Napagpasyahan kong pumunta muna sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko salamin.

"Kuya, nakikita mo ba ako?" ang tanong ko sa katabi kong abala sa paggawa ng highway sa kanyang buhok gamit ang isang wax.

Tumango siya. Matapos masigurong hindi ako transparent, eh umalis na ako upang tunguin ka.

Binalikan ko ang lugar kung saan kita nakita. Kasama mo ang mga kaibigan mo. Pero nung naramdaman nila ang prisensya ko e, napagpasyahan nilang iwan ka muna't bumili ng makakain. Yun na ang pagkakataon ko. Tumabi ako sayo. Umaasang pansinin mo sa pagkakataon na iyon. Tinawag ko ang iyong pangalan. Hindi ka umimik. Katahimikan. Nilingon mo naman ako, pero ramdam ko ang pagtagos ng mga mata mo sa kinalalagyan ko. Anak ng tokwa! Invisible pa din pala ako. Kala ko pa naman tanggal na ang sumpa.

Kung sa facebook, ang status ko ngayon ay invisible, kung sa sa ym naman naka sign-in ako pero invi. Hindi naman sa pinagtataguan kita, o dahil may tinataguan akong inutangan o kagalit ko. Nagkataon lang talaga na sa mga panahong ito, sa tuwing maglo-login ako para makapiling ka eh laging invisible mode ang labas sayo. Inisip ko nga kung maging lifesize letter f na lang ako o di kaya'y maging malaking smiley, mapapansin mo na kaya ako? Ewan ko ba kung may problema ba ang connection mo? O may suot ba akong invisibility cloak? Alam ko din naman wala akong nadaanang invisibility na power-ups dahil mas pinipili ko nang makasama ka kesa mag-DOTA. Mga katanungang tinatanong ko ng paulit-ulit sa aking sarili.

Ok naman tayo dati ah. Masaya naman tayo at mahal natin ang isa't-isa. Pero hanggang kailan ba ako magiging Invisible Man sa iyo? Ilang araw na kasing ganito. Nami-miss na kasi kita ng sobra.

Tumayo ako at nagpaalam sa iyo. At tulad ng mga nagdaang araw, di ka pa din sumagot. Binagalan ko pa nga ang lakad ko, pero di mo pa din ako tinawag. Siguro kailangan mo pa din ng time.

Napagpasyahan kong bumawi na lang bukas. Dadalhan kita ng bulaklak, haharanahin kita, luluhod ako sa harap mo, at kung anu-ano pa. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako at matanggal ang sumpa.

Friday, July 2, 2010

Red Solitude

Your dark existence
Living in the bloody glow of flames
An endless flashing light
That cast shadows on my remains
Dancing solo to the music of your immortal choir
My brain screams, creating frigid echoes of poetry rise

My dark heart
Kept locked in solid crystals of light
Safe form the fire
That threatens to destroy my identity
Burning the end of my sanity

Your dark need
Hanging on with artistic flow of your blood
Pleading for release
Pouring sweat on my flesh
Make me twist. Made me breath
Awakening a dark phantom that move beneath my skin

Your dark promise
Your smooth voice that aroused my craving
Whispering assurance
Awakening my abandoned spirit
Serenade my shaking body, strengthening
Gave me hope, made my will
Leaving me naked and raped of refusal

Your dark love
Invaded by fallen defeat
Enters into the pores of my living soul
Unite with one another
Unite evanescence spirit thru meaning
Picturing the flow thru similar fires
Loud crying word of "always, forever"

My dark peace
Filled empty impression
Calmed my wildness unease
Warm delight fall unto the shallow corners
Flames subside yet glow to amber satisfaction
Slows my breath and soften my yearning
Wrap me unto the immortal wing of your angelic charm

My savior from dark solitaire

Inspired by the poem Litany by Carolyn Creedon.
A poem given to me by my girlfriend during college. :)

Wednesday, June 30, 2010

V.I.P.


Pagkakaisa at makabayang damdamin ang nangingibabaw sa isa't-isa. Ang iba naman ay emosyonal. Nagkalat ang mga plakards at banner na nagsasabi ng "Pagbabago...". Marami ding nagtitinda ng mga memorabilia at souvenirs. Nagkalat ang mga pulis at media. Makulimlim ang kalangitan. May helicopter, confetti at nagkalat ang mga taong nakasuot ng kulay dilaw. Ilan lang iyan sa mga kaganapang kapansin-pansin ngayon sa Luneta.

Sandamukal na tao ang dumagsa sa Luneta, partikular na sa grandstand upang saksihan ang makasaysayang pangyayari sa bansa. Samu't-saring tao na mula sa iba't-ibang antas ng lipunan. May bata, matanda, babae, lalake, mayaman, mahirap at saka mga artista. Bawat isa ay may lugar na kinalalagyan.

Bagamat nagkakaisa sa pinagdiriwang ay kitang-kita ang isang partikular na bagay na hindi kayang maikubli ng selebrasyon.

"Sir, bawal po kayo dito. Pang V.I.P. lang po ang lugar na ito." ang sabi ng gwardiyang nakaputi.

"V.I.P.? Bat hindi kami pwedeng pumasok, samantalang sila naman pwede?" ang sagot ng matanda.

"Lolo, V.I.P. po. Ibig sabihin mga importanteng tao lang po ang pwede dito. Dun po kayo banda sa baba ng grandstand." ang sagot ng guwardiyang may tonong pagkayamot. Agad niyang kinuha ang kanyang radyo at sinabihan ang mga kasama.

"Ano ba yan? Panong nakapasok yan dito? Malalagot tayo niyan eh. Dalhin niyo na sila Lolo sa baba bago pa siya mapansin dito." ang sabi ng isa pang guwardiya.

Wala nang nagawa si Lolo Vicente kung hindi sumuko at sundin ang sinabi ng gwardiya. Kahit nainis siya sa sagot nito ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Para sa kanya espesyal ang araw na ito. Manunumpa kasi ang bagong Pangulo ng bansa. Ang unang Pangulong masasaksihan niyang manumpa at marahil ang huli na din.

Sa edad na 70 ay aktibo pa din siyang sumasali sa mga pagdiriwang. Kasama ang apong si Baldo tinahak nila ang daan patungo sa baba ng grandstand habang ine-escortan ng mga guwardiya.

Pagdating sa hagdanan ay sabay dating ng ilan pang taong naka-uniporme. Apat na lalaking brusko ang pangangatawan, nakasuot ng puti, nakasalamin at may nakasubwit na animo'y wire sa kanilang mga tenga. Hinawi nila sina Lolo Vicente at Baldo upang bigyang daan sila Congressman, Senator, Businessman, at iba pang V.I.P..

"Lolo, bakit po tayo pinaalis? Dahil po ba sa mga suot natin?" tanong ni Baldo.

Mga naka-barong, Filipiniana, tuxedo at kung anu-ano pang magagarang damit ang bumalandra sa kanila pagdating sa ibaba papasok sa lugar ng mga VIP. Samahan mo pa ng mga naglalakihang dyamante at alahas. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ito naitanong ni Baldo. Kumpara nga naman kasi sa suot nila ni Lolo Vicente na t-shirt, maong at tsinelas.

"Naku, hindi apo noh. Walang kinalaman ang suot natin. Bawal kasi tayo doon." sagot ni Lolo Vicente.

Pagdating sa baba ng grandstand ay tinanaw ni Lolo Vicente ang kumpol ng mga tao na mistulan ng dagat na dilaw.kung saan sila pupuwesto. Tinignan niya kung may lugar ba para sa mga katulad niyang senior citizen, na agad namang nasagot ng wala. Sinabihan niya ang apo na maghahanap sila ng magandang puwesto para makapanood sila ng maayos.

"Bakit po sila pwede dun, samantalang tayo bawal? Mas maganda dun lolo. Hindi masikip, may mauupuan tayo saka may lilim pa kung sakaling umulan. Samantalang dito siksikan at ang daming tao." ang nasabi ni Baldo na may halong pagkalito.

"V.I.P. lang daw kasi yung pwede dun." sagot ni Lolo Vicente sa usisa ng apo.

"V.I.P.? Ano po un?" usisa ulit ng makulit na si Baldo.

"Ang V.I.P. apo eh ung mga taong importante daw." sagot ni Lolo Vicente sa apo.

"Gano po kaimportante?" tanong niya ulit.

"Importante. Pag ikaw ay mahalaga para sa ibang tao, V.I.P. ka." ang sagot ni Lolo Vicente.

"Eh di puwede po pala tayo dun eh.V.I.P. din naman po kayo, saka sila nanay at tatay!" tanong ulit ni Baldo.

"Bakit mo naman nasabi iyon?" ang usisa naman ni Lolo Vicente.

"Kasi importante po kayo sa akin. Pati po sina Nanay at Tatay. Ganon din po kayo kasing-importante para kina Ate at Kuya. So V.I.P. din po kayo. Wala naman po palang halos pinagkaiba sa kanila." inosenteng sagot ni Baldo.

Pinagmasdan ni Lolo Vicente ang paligid. Sa nakikita niya bigla niyang natanong sa sarili. 

"Gano nga ba talaga ka-importante ang mga katulad namin?" 

Sa nakikita niya kasi parang mahirap tanggapin ang kasagutan. 

"Sa panahong iyon, boto lang ba ang mahalaga sa amin? Hindi kasi ito ang inaasahan kong selebrasyon. Wala ang inaasam kong pagkakapantay- pantay." ang mga katagang nasabi niya sa sarili.

Tinignan niya ang apo sa mata. Ngumiti siya at sinabing-

"Lika na Baldo, uwi na lang tayo."

-end-


Author's note:

Wala po akong grudge sa bago nating Pangulo. Hindi ko lang nagustuhan ang sistema na nasasaksihan ko. Ang selebrasyong ito ay para sa Sambayanang Pilipino at sa tagumpay na nakamit natin ng isinagawa natin ang Demokrasya at nang inihalal natin ang sa tingin natin ay karapat-dapat na mamuno sa  bansa. Hindi ba dapat lahat naman tayo ay ituring na V.I.P. dahil tayo din naman ang naglagay sa kanila sa kinalalagyan nila ngayon?

Friday, June 25, 2010

Ulan


"Kuya, puwedeng pasukob?" ang bungad sa akin ng isang binibini habang naglalakad ako papunta ng terminal ng jeep. Mukha naman siyang mabait kaya pumayag na din ako. Dahil don bumagal ang paglalakad ko. Para akong escort sa sagala na dapat alalayan ang aking kapareha. Kulang na lang umulan ng fireworks pero sa sitwasyon namin ngayon,umuulan na nga- malakas at napakalalaking mga patak ng ulan.

Maulan ng araw na iyon. Nakapagtataka gayong sinabi naman sa balita na magiging maaraw. Mukhang papasok na ang buwan ng tag-ulan. Buti na lang nagdala pa din ako ng payong. Dahil don hindi ako nabasa. Mabuti na yung laging handa.

Kahit kelan talaga ayaw ko ng ulan- ang makulimlim na langit, basa, baha, putik at sari-saring sakit na makukuha dito tulad ng dengue at leptospirosis. Ang kinaganda lang eh ang pagsususpinde ng klase lalo na kung may bagyo. Ngunit dahil isa na akong accountant, matagal-tagal ko nang di na-eenjoy yun.

Pagdating namin sa kanto ay mas lumakas pa ang ulan, kaya napagpasyahan naming sumilong na lang muna sa kalapit na donut shop.
Doon ko unang napagmasdan ang imahe ng nakisukob sa akin. Napakaganda niya. Napatitig ako sa kanya ng matagal, pinagmasdan. At ngiti ang unang binungad niya sa akin.

"Salamat po ah!" wika ng binibini.
"Naku wala po un." ang nasagot ko.

Di pa din ako makapaniwala. Parang isang eksena sa pelikula ang kinalalagyan ko. Binuksan ko ang aking bag at iniabot sa kanya ang baon kong face towel.

"Naku wag na po. Nakakahiya na masyado."
"Ok lang. Basang-basa ka kasi eh. Saka basa na din yang pinangpupunas mong panyo. Baka magkasakit ka niyan, sige ka."

Dahil sa words of encouragement ko ay bumigay din siya at kinuha ang aking face towel.

Sa kinalalagyan namin eh mukhang ayaw pang magpatalo ng ulan at nilakasan pa nito lalo. Kaya napagpasyahan namin sa loob na lang ng shop antayin ang paghina nito. Umupo kami sa isang bakantang pwesto.

"Bat kasi wala kang payong? Nabasa ka tuloy." ang usisa ko.
"Di ko naman kasi inakalang uulan ngayong uwian gayong maaliwalas naman ung panahon kanina." ang sagot niya.
"Ahh." ang nasabi ko.

Katahimikan.

Nagkatinginan kami na agad din naming iniwas sa isa't-isa. Unti-unting namumuo sa isipan ko ang isang malaking problema. Pano ko kaya siya makikilala? Kailangan kong gumawa ng paraan.

Tumayo ako't pumunta sa counter para umorder. Ilang pirasong donut at dalawang mainit na tsokolate.

"Kain muna tayo. Tutal mukhang matagal pa bago humina yan." ang alok ko sa kanya.

Tinanggihan niya ang alok ko.

"Wag kang mag-alala. Di ko nilagyan ng anumang bagay yan. Wala yang pampatulog o di kaya'y lason." ang sabi ko.

"Saka mabait naman akong tao. Eto ID ko at NBI Clearance para di ka matakot." ang dagdag ko.

Kinuha niya at tinignan niya ng mga ilang minuto. Pagkatapos ngumiti na din siya.

"Salamat King ha." ang sabi niya.
"Pano mo nalaman pangalan ko?" pagtataka ko.

Itinaas niya ang kilay niya habang sabay na itinataas ang hawak niyang ID at NBI Clearance.

"Oo nga pala. Hehe." ang sabi ko.
"Ako nga pala si Anne." ang sabi niya habang inaalok ang kamay niya sakin.

Pinunasan ko muna ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya.

"King, ulet." ang sabi ko.

Napangiti ang loob ko. Tagumpay ang plano kong makilala siya.

Maganda si Anne. Mahaba ang kanyang buhok. Maputi at may katamtamang tangkad. Maganda ang kanyang katawan na pansin dahil medyo kumapit ang damit niya dito mula sa pagkakabasa sa ulan. Isang babaeng wala ka ng hahanapin pa.

At dahil medyo palagay na kami sa isa't-isa eh napagpasyahan naming magkwentuhan muna para hindi mainip. Mula kababawan hanggang kalaliman ng buhay napag-usapan namin. Doon ko din nalaman na isa pala siyang guro. Kaya pala parang pamilyar ung uniporme niya.

Unti-unti ko siyang nakilala habang unti-unting nauubos ang tsokolate at donut na kinakain namin. Habang sa labas naman ay unti-unting umaaliwalas ang panahon at unti-unting humihina ang pag-ulan. Samantalang ang loob loob ko ay nananalangin ng dagdag na oras pa upang makasama siya. Hanggang sa tumayo siya at nagpaalam.

"Mukhang tumila na. So ano? Mauna na ako? Salamat ulit ah." ang sabi niya.

Napatungo na lang ako sa bilis ng mga pangyayari.

"Ingat ka ah! Nice meeting you." ang naisagot ko na lang.

Sa unang pagkakataon mas ginusto kong umulan pa kesa sa tumila ito. Hindi ko alam kung magiging ganito ulit sa susunod. Napagtanto kong habang nandiyan pa ang ulan eh enjoyin mo lang ito at baka sa susunod na hanapin mo ito e wala na. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng shop. Binuksan ko ang aking payong at kinalabit si Anne mula sa likod.

"Hatid na kita."


-end-
Powered By Blogger

Nuffnang