ang mga tibo ba ay nagpapatubo at nagpapakapal ng buhok sa kili-kili para mas magmukha silang lalake?
Thursday, February 24, 2011
Curios lang ako..
Kung ang ibang bading ay binubunot ang buhok sa kili-kil upang maging makinis ito tulad ng sa isang babae...
Wednesday, February 16, 2011
Pinoy Mules
Mule-Slang a person who is paid to transport illegal drugs for a dealer.(http://encyclopedia2.thefreedictionary.com/Mule)
Sa susunod na Linggo nakatakdang bitayin ang tatlong Pinoy na nakulong sa China dahil sa pagpupuslit ng pinagbabawal na gamot na heroine.
Maraming kababayan natin ang nalalagay sa peligro at kumakapit sa patalim dahil sa kawalan ng oportunidad sa ating bayan. Hindi nga naman natin sila masisisi kung mas pipiliin pa nilang mameligro ang buhay kesa sa makitang naghihirap ang kanilang mga mahal sa buhay. Pero dapat alam pa rin nila kung ano ang tama sa mali.
May sariling batas na pinaiiral ang China at ang batas ay ginawa para maging patnubay sa kung ano ang nararapat at ano ang daang matuwid.
Sa ating bansa, marami ding Chinese nationals na drug traffickers ang nahuli ngunit namumuhay ng marangya maski sa loob ng kulungan. Ang iba pa nga sa kanila nakakatakas basta malakas magpadulas. Meron naman tayong parusang kamatayan DATI pero dahil isa daw tayong Katolikong bansa kaya inabolish ang nasabing parusang bitay.
Tutal isa naman tayong Katolikong bansa bat hindi na lang natin ikulong ang mga nagkakasala sa simbahan. Tutal mukhang mas alam naman nila ang kanilang ginagawa eh..
Philippine President Benigno Aquino launched a last-ditch appeal Wednesday for China to show clemency to three Filipino drug couriers who face execution next week.
Aquino said he had tried in vain to contact China's leader over the case, and said he would send Vice President Jejomar Binay to Beijing to convey his personal request to spare the two women and a man.
The trio -- who would be the first Philippine nationals executed in China -- were convicted separately of smuggling heroin into China in 2008, the foreign department said.
"I am trying to set up a phone conversation with President Hu Jintao again to make an appeal for the commutation" of the death sentences, Aquino told reporters.
He said Filipino diplomats had been trying to patch him through to Hu since Friday. "As of now, they (Beijing) have not signified willingness to accept the phone call.
"But we think our request is very, very reasonable. It is time for them to demonstrate their pronounced statements of improved closer bilateral ties. This will be a test (of that)," Aquino said.
The condemned 42-year-old Filipino man and 32-year-old woman were both convicted in December 2008 while the third, a 38-year-old woman, was sentenced in May 2008.
The first two are scheduled to be executed on Monday in the southern city of Xiamen and the 38-year-old woman in Shenzhen, near Hong Kong, on Tuesday, officials said.
However, the Chinese embassy in Manila showed no sign of its government relenting.
"The death sentence on the three Filipino drug traffickers is the final verdict by the Chinese judicial authorities in accordance with law," it said in a statement Wednesday.
"As criminals (facing the) death penalty, their legitimate rights and interests have been protected in accordance with law."
The embassy would help relatives who may want to visit the three in prison before their execution, the statement said, adding that it hoped the case would not affect diplomatic ties.
Aquino said many Chinese drug traffickers had been arrested in the Philippines but could not face execution because the mainly Roman Catholic nation had abolished capital punishment.
"We'd like to see reciprocity, hopefully," he said.
The scheduled executions come after ties chilled over the deaths of eight Hong Kong Chinese in a bungled bus hostage rescue in Manila late last year.
Officials in Hong Kong were disappointed by Aquino's subsequent decision to slap minor criminal charges against several police officials involved in the fiasco.

Monday, February 7, 2011
Lesson Plan
I. Objectives:
Focus Skill
- to be able to write again stories and essays about life.
Support Skills
- to narrate teaching experience.
- to narrate past events.
II. Subject Matter:
Kwentong nakakainis, nakakaaliw at pawang katotohanang nasulat dahil sa panahon at karanasan...
reference: past, present and future experiences
III. Procedure:
A. Motivation:
Makalipas ang ilang buwan, medyo natigil ako sa pagsusulat ng aking mga akda. Naging busy kasi ako masyado sa trabaho. Isa na akong titser sa isang Mataas na Paaralan sa Maynila.
B. Silent Reading:
Masasabi kong nagsimulang tumamlay ang pagsusulat ko nang pumasok ang buwan ng Nobyembre. Nitong buwan kasing ito ako nagsimulang magturo. Ika-3 ng Nobyembre ng nakaraang taon ang unang araw ng pagtuturo ko. Mula nang araw na iyon ako nagsimulang magsulat.
Natigil ang pagsusulat ko ng mga kwento at kung anu-ano pa na may kinalaman sa paligid- ligid na nangyayari sa bansang Pilipinas, pero nagsimula naman ang kalbaryo ng pagsusulat ko araw-araw ng Lesson Plan para sa mga estudyante ko. Sulat sa Lesson Plan, sulat sa Manila Paper/Visual Aids at sulat sa blackboard. Nakakaaligaga sa una pero pag nagtagal ay makakasanayan din.
Maiksing panahon pa lang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ang laki na agad ng tinanda ko. Inaamin kong nakakakunsumi ang pagtuturo lalo na pag walang balak matuto ang tinuturuan. Kung wild ka nung panahon na estudyante ka, masasabi kong wala kang sinabi sa pagka- wild ng mga estudyante ngayon. Wala na ang paggalang sa iba. Wala na rin ang kagandahang asal.
35 ang bilang nang advisory class ko- 20 lalake at 15 babae. Sa ngaun 23 silang natitira. Ang iba ay dinapuan ng matinding sakit ng katamaran. Ang nakakatuwa pa, ilan lang sa kanila ang may gana sa pag-aaral at ang iba'y pumapasok lang para manggulo. Minsan tuloy nauuwi na lang sa sermon ang klase.
Paulit-ulit kong sinasabi sa mga estudyante ko ang sinabi ni Bob Ong sa isa niya mga aklat- "Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtiyatiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan , sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela." - Mang Justo.
At sana naman, kahit papano tamaan sila ng kidlat at makita nila ang daan matuwid.
C. Comprehension Check
1. Sino ang pumatay kay Jose Rizal?
2. Sumasang-ayon ka ba na nakakabilis sa pagtanda ang pagtuturo? Ipaliwanag.
3. Pano mo mababawasan ang drop rate sa mga pampublikong eskwelahan?
4. Ipaliwanag sa wikang latin ang nais iparating ni Mang Justo sa sinabi niya?
D. Valuing and Appreciation
Pabor ka bang dagdagan ang nang dalawang taon ang Basic Education? Sa pulis ka magpaliwanag ng sagot mo.
IV. Assignment:
Prepare for a long quiz tomorrow about life.
Tuesday, February 1, 2011
Thursday, January 20, 2011
Pilipino Funny Komiks
Wala pa nung MYX, wala pa nung MTV
Wala pa nung internet
Wala pa nung ipod o mp3
Wala pa nung cable
Wala pa nung cellphone
Wala pa ring cd o dvd
Wala pa nung One piece at Naruto
Meron lang Funny Komiks!
Oo! Pilipino Funny Komiks.. hindi ka nagkakamali..

![]() |
Tomas and Kulas: Ang Pinoy version ng Tom and Jerry |
![]() |
Bago ang kainitan ng One Piece at Naruto, nauna na nating minahal si Combatron.. |
Ang Pilipino Funny Komiks ay nagsimula noong June 26, 1978, mga 9 na taon bago ako isilang.
Sinimulan ko itong basahin nung bago pa man ako magsimulang mag-aral sa elementarya.
Noong panahong hindi mo pa kailangang dumaan ng NKP para makapag-elementarya, basta ba marunong ka nang kumilala ng mga numero at letra at symepre bumasa.
Panahon na kung saan P1.50 pa lang ang pamasahe sa dyip at halagang P7.50 lang ang isang litro ng diesel.
Panahon na kung saan nag-aagawan pa ang tao sa pagsakay sa dyip dahil kakaunti pa lang sa Pilipinas ang mayroon nito.
Panahon na kung saan P1 lang ang pamasahe ng LRT mula Blumentritt hanggang Monumento.
Panahon na kung saan nauso ang bangkong de-tiklop, na kung saan umuupo ako sa gitna ng dyip gamit ang aking portable upuan.
Panahon na kung saan ang tanging libangan ng mga bata ay kundi maglaro sa labas, eh ang magbasa.
Sa kasamaang palad, sinunog ng erpats namin ang kahun-kahon naming koleksyon nito. Lahat ay nauwi sa usok at nagtapos sa abo.
Ang tanging naiwan- magagandang ala-ala, nakakatuwang kaalaman at kabutihang asal na dala dala ko sa twina.
(salamat sa komiklopdedia para sa mga imahe ng Pilipino Funny Komiks)
Tuesday, December 28, 2010
Ngayong malapit na ang Bagong Taon..
halos lahat gusto ng pagbabago
para sa sarili
sa kapwa
at sa bayan
Sana sa darating na Bagong Taon
magbago din sana ang pananaw at kaugalian na ito
Dahil ang pagbabago ay walang pinipiling oras at panahon..
Maaari mo na ngang simulan ngayon.
Saturday, December 25, 2010
Paskong Pinoy
Simple lang naman..
Maligayang Pasko sa lahat..
Ang Paskong Pinoy..
kahit na hindi magara..
kahit na walang regalo..
kahit na walang pera..
Ang mahalaga lahat ay masaya at nagsasama-sama..
Ang araw naman na ito ay para sa Kanya at sa buong pamilya..
Subscribe to:
Posts (Atom)